Nadine guminhawa ang buhay sa Singko

Inamin ni Nadine Samonte na malaking bagay ang nagawa sa kanyang buhay sapul nang lumipat sa Kapatid Network. Siya ang breadwinner ng pamilya at ngayong ratsada ito sa mga proyekto ay sapat ang kinikita para panustos sa pang-araw-araw na gastusin sa bahay at pagpapa-aral sa mga nakababatang kapatid.

Napagtapos na nito ang nakababatang kapatid na babae ng nursing at may isa pang pinag-aaral.

Pinakamasaya ang Paskong ito sa kanilang buhay dahil bukod sa stable ang relasyon nila ng dyowa ay maganda ang takbo ng career nito. After ng Sa Ngalan ng Ina ay abala ito sa taping ng Valiente sa TV5.

Rachelle Ann walang pakialam kahit malamig ang pasko

Masaya si Rachelle Ann Go kahit wala siyang boyfriend this Christmas. Hindi rin siya apektado kapag sinasabing malamig ang Pasko niya. Kapiling naman niya ang pamilya at komportable kahit hindi muna tumatanggap ng manliligaw. Hindi siya nakikipag-date at naka-focus muna sa kanyang trabaho.

Abala si Rachelle sa Kusina Master ni Chef Boy Logro sa Studio 6 ng GMA Network.

KYLA hindi priority ang maging mommy

Memorable ang Ka­paskuhan ni Kyla ngayong kasal na ito kay Rich Alvarez. Nag-aaral na siyang magluto nga­yong misis na lalo na ang kare-kare na paborito ng kanyang mister.

Ngayong Hunyo ay mag­­ha-honeymoon silang mag-asawa sa Europe.

Gusto nilang mag-en­joy muna bilang mag-asawa kaya hindi muna priority ang magka-baby.

Show comments