Romnick, nagtitinda ng expensive bikes and parts

Bagung-bago at nangangamoy pintura pa ang tindahan ng bike ni Romnick Sarmenta na matatagpuan sa Commonwealth Ave., Quezon City at pinangalanan niyang Trinity Cycleshop. Kalilipat pa lamang niya sa nasabing lugar nung Disyembre 1 kaya kahit ayos na ang lugar niya ay hindi pa marami ang nakakaalam nito. Pero mabilis ang pagdami ng kiliyente niya, salamat sa pagkagiliw ng Pinoy sa pagbibisikleta lalo na ng mga artista.

Dating restoran ang negosyo nila ni Harlene Bautista pero ’di tulad ng bago niyang tindahan na puwedeng ipagkatiwala sa iba, ang pagluluto ng pagkain at pagbili ng mga sangkap na kailangan ay kailangang sila mismong mag-asawa ang mangasiwa kaya binitawan nila ito. Ngayon ay naasikaso na ni Harlene ang iba pa niyang mga gawain at siya naman ay nasa kanyang tindahan at personal na inaasikaso ang kanyang negosyo.

Isang cycling buff si Romnick kaya naman kaya niyang sagutin ang mara­ming katanungan ng mga nagsisimula pa lamang sa sport na ito.

Kasing halaga na ng kotse ang ilan sa mga bisikleta na mabibili sa tindahan ni Romnick. P100,000 ang pinakamura at P700,000 naman ang pinakamahal. Lahat ng kailangang gamit sa pagbibisikleta ay natatagpuan sa tindahan niya mula sa guwantes, hanggang sa helmet, at mga ilaw. Meron ding jacket, shoes, at mga damit na maisusuot at magagamit ng isang siklista.

Marami kaming natutunan tungkol sa pagbibisikleta sa ilang minutong pa­nanatili namin sa Trinity Cycleshop. Sayang at wala si Harlene. Meron daw itong inaasikaso para sa kapatid niyang si QC Mayor Herbert Bautista.

Concert ni Jericho nangolekta ng donasyon

Ang katatapos na concert ni Jericho Rosales na pinamagatang Kinse na isang selebrasyon ng kanyang ika-15 taon sa showbiz ay ginawa ring isang paraan para makatulong sa Shining Light Foundation at Operation Blessing Foundation. Booths were set up in the venue to process any donations. Every peso counts!

Guests included Gary Valenciano, Donita Rose, Candy Pangilinan, Gab Valenciano, Lovi Poe, Julianne, at ang Salamin band.

Show comments