May bagong negosyo ngayon ang aktor na si Dingdong Dantes dahil isa siya sa mga may-ari ng Krave restaurant sa Makati City. Pinasok ng binata ang ganitong negosyo dahil hilig niya ang kumain noon pa man.
“Mahilig kasi akong kumain especially before noong ’di pa siya Krave. It’s called Gustavus, steak lang siya, steak lover ako,” pagtatapat ni Dingdong.
Iba-ibang cuisine ang isini-serve sa restaurant nila tulad ng French, Italian, Japanese at Filipino. Marami pang ibang negosyo si Dingdong bukod sa kanyang restaurant ay sa kanya rin ang Arena Fitness Gym sa Quezon Avenue. Pag-aari rin ng binata ang Agosto Dos Productions at Centerstage.
Bukod sa mga negosyo ni Dingdong ay abala rin siya sa kanyang foundation na tumutulong magpa-aral sa mga piling kabataan na anak ng mga sundalo.
“Mula noong 2009 meron kaming scholars. Then we have two classrooms set to be up January in Quezon province. We also have in Mindanao this December dapat itayo so early next year,” kuwento ng binata.
Meron din silang roving school. “Yes, nakaka-twelve areas na kami. We use bus, lahat volunteers namin. We have this tie up parang house ng mga batang may ginawang mali, so we provide values formation,” giit pa niya.
Samantala, magkasamang manonood sina Kris Aquino at Dingdong sa unang screening ng Segunda Mano sa Glorietta sa Linggo kasama pa ang kanilang mga tagahanga.
Megan mas gusto sa likod ng camera
Matagal-tagal na rin si Megan Young sa industriya. Nasubukan na rin niyang umarte sa ilang teleserye at pelikula pero ngayon ay mas nae-enjoy ng dalaga ang hosting.
“Well it has been a part of my career naman na gusto ko kasi ever since naman hosting talaga ang gusto ko ituloy. Ngayon mas nabigyan ako ng chance noong nag-Channel V na ako pero kasi parang it was too classy for other people and I wanted to venture out to a more different crowd. So buti kinuha nila ako for ASAP All Access, so I’m starting to do that even though it’s not a regular thing. I’m really having fun doing it because it’s really different from Channel V but it’s still hosting. I love it and I still get to be myself. I still get to talk all I want, be a blabbermouth,” natatawang pahayag ni Megan.
Pinapangarap din niya na makapagtrabaho sa likod ng camera balang araw kaya ngayon ay pinaglalaanan niya ng panahon ang kanyang pag-aaral.
“I really want to finish, school and work are like hati sa number one priority ko. I’m an irregular student taking up filmmaking in College of St. Benilde. I haven’t really reached my majors yet, kasi dati masscomm ako ’tapos nag-shift ako. Mas may concentration ito kasi may specific area and it’s the kind of area I really want to get into because I’m already in the business. It’s just that it’s more of behind-the-scenes and I’ve always wanted to be behind the scenes,” paliwanag ni Megan. Reports from JAMES C. CANTOS