^

PSN Showbiz

Bukid ni LT, sosyal na sosyal!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Sulit ang layo ng biyahe ko sa General Aguinaldo, Cavite noong Huwebes dahil maganda ang Vera Grace Farm ni Lorna Tolentino.

May kalayuan ang lugar kaya hawak-hawak ko mula sa Maynila hanggang sa Cavite ang mapa na ipinadala sa akin ni LT para hindi kami maligaw. Hindi puwede na hindi ako pumunta sa farm ni LT dahil kahapon ang kanyang birthday na ipinagdiwang niya sa Vera Grace.

Hindi kami nahirapan na hanapin ang farm dahil malinaw ang map sketch. Kulay pula ang malaking gate ng Vera Grace at nang pumasok dito ang sasakyan namin, nakaabang ang isa sa mga caretaker ni Lorna para mag-spray ng liquid bilang proteksiyon sa poultry farm.

May rason si LT na tamarin na lumuwas sa Metro Manila kapag nagpupunta siya sa kanyang farm dahil tahimik dito, sariwa ang hangin, maraming tanim na gulay, at fruit-bearing trees.

Type ko rin ang bahay na ipinagawa ni Lorna sa farm dahil maaliwalas ito. Dalawa ang kuwarto sa ground floor at maraming kama sa attic dahil dito na­tutulog ang mga anak ni LT na sina Rap at Renz, pati ang kanilang mga bisita.

Walang problema sa tutuluyan ng mga bisita ni LT na may mga guest rooms na sosyal ang interior.

May green at gold room ang guesthouse. Pinili ni Amy Austria na mag-stay sa gold room dahil feel na feel niya ang pagiging Golden Girl.

Sosyal ang farm ni LT dahil may WiFi sa bawat kuwarto kaya puwedeng gumamit ng computer o iba pang gadget anumang oras.

Alfred na-trauma, bahay na ninakawan ibebenta na

As usual, maaga akong dumating at umalis sa birthday celebration ni LT sa kanyang farm.

Hindi na kami nagpang-abot nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Tonton Gutierrez dahil pumunta pa ako sa burol ni Mrs. Carolina Gozon, ang butihing ina ni GMA Network CEO Atty. Felipe Gozon.

Umabot pa ako sa necrological services para sa nanay ni Atty. Gozon na sumakabilang-buhay sa edad na 97 at inilibing kahapon sa Manila Memorial Park.

Nakiramay sa pamilya Gozon ang mag-inang Annabelle Rama at Richard Gutierrez at sina Diana Zubiri at Alfred Vargas na feeling lonely dahil nasa Italy pa ang kanyang asawa at dalawang anak.

Ang ina at kapatid ang makakasama ni Alfred sa Christmas celebration dahil baka sa February pa ang balik sa Pilipinas ng kanyang misis at dalawang anak.

Hindi pa bumabalik si Alfred sa bahay niya sa Quezon City na pinagtangkaan na nakawan ng kanyang kasambahay.

Baka ipagbili na ni Alfred ang bahay dahil na-trauma siya sa krimen na ginawa ng kasambahay na nahuli sa akto ng pagnanakaw.

Gen. Jewel namatay na

Habang papunta ako sa chapel na pinaglala­gakan ng mga labi ni Mrs. Gozon, napadaan ako sa chapel na pinagbuburulan ng labi ng isang lalaki na nagngangalang Jewel Canson.

Pamilyar sa ating lahat ang kanyang name dahil matagal na naglingkod sa military si Gen. Jewel Canson. Ang sabi ng nakabantay na military guard, lingering illness ang ikinamatay ng 66-year-old retired general.

O ’di ba, napadaan lang ako sa chapel pero nakatisod agad ako ng news?

Lindol ’di naramdaman dahil sa holiday rush

Lumindol kahapon ng tanghali sa Metro Manila pero hindi ito naramdaman ng mga tao dahil busy sila sa Christmas shopping.

Dalawang beses na lumindol kahapon sa Luzon. Nangyari ang unang lindol kahapon ng madaling-araw, 1:30 a.m. at nasundan ito ng 12:30 p.m.

AKO

ALFRED VARGAS

AMY AUSTRIA

ANNABELLE RAMA

BONG REVILLA

DAHIL

FARM

JEWEL CANSON

METRO MANILA

VERA GRACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with