PIK: Nagulat si Kris Bernal nang may naghatid ng isang pumpon ng bulaklak sa premiere night ng Panday 2 sa SM Megamall kamakalawa ng gabi.
Galing kay Jolo Revilla ang naturang bulaklak na nagsu-sorry na hindi ito makakarating sa premiere night dahil hindi ito pinayagang umalis sa taping ng My Binondo Girl.
Parang kinikilig si Kris na nagpasalamat kay Jolo, lalo na’t nakasaad sa dedication nito na sana si Jolo na lang daw ang bulaklak habang hawak-hawak ito ni Kris.
Sabi naman ni Jolo, gusto lang muna niyang makipagkaibigan kay Kris at ganundin naman ang gusto ng huli.
PAK: Umuwi ang Protégé grand winner na si Krizza Neri sa Cagayan de Oro para mamahagi ng tulong sa mga kababayan niyang nasalanta ng bagyong Sendong.
Kasama ni Krizza si Aiza Seguerra na pumunta dahil pangako naman nila iyun na kapag mananalo ay dadalaw sila sa lalawigan nito.
Si Aiza na pala ang magma-manage kay Krizza kasama ang GMA Artists Center dahil lalo raw itong na-inspire na tulungan ang singing career ng kanyang protégé.
Pero ang narinig namin, hindi raw ito type ng partner ni Aiza na si Chen na tila nagseselos na ito. Totoo kaya ito?
BOOM: Kaagad na-block na sa You Tube at ilang Internet sites ang bagong video nina Mo Twister at Rhian Ramos.
Hindi naman sex video pero ang pangit tingnan at lalong nakakasira kay Rhian.
Kahit sinasabi ni Mo na wala siyang kinalaman sa pagkakalat nito, siya pa rin ang pinagbibintangan sa tulong ng mga malalapit niyang kaibigan.
Komento ng karamihan, kaya raw pala matalik na magkaibigan sina Mo at Hayden Kho.
Ang pagkakaalam namin nandito lang si Rhian at nagtatago lang ito.