MANILA, Philippines - Sa Sabado na ang pinakahihintay na traditional parade of stars sa gaganaping 37th Metro Manila Film Festival.
Pitong pelikula ang kasali sa taunang movie festival.
Magsisimula ang parada ng 2:00 p.m. sa Mall of Asia papunta ng EDSA at magli-left sa Roxas Boulevard. Didiretso ito sa Quirino Grandstand sa Luneta kung saan magkakaroon din ng variety show.
Ang mga kasaling pelikula - Panday 2 starring Bong Revilla and Marian Rivera; Yesterday, Today, Tomorrow - Maricel Soriano, Gabby Concepcion, Lovi Poe, Dennis Trillo, Solenn Heussaff, Carla Abellana, Eula Caballero and Agot Isidro; Enteng ng Ina Mo - Vic Sotto and AiAi de las Alas; My Househusband - Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo and Eugene Domingo; Asiong Salonga - Jeorge Estregan; Segunda Mano, Kris Aquino, Dingdong Dantes and Angelica Panganiban; and Shake, Rattle & Roll 13, all-star cast trilogy.
Ang pitong kasali ay magsisimulang mapanood sa December 25 sa Metro Manila at iba’t ibang probinsiya. Nationwide ang MMFF.
Nauna nang napabalita na target ng MMFF na kumita ng mahigit kalahating bilyon dahil magaganda ang mga pelikung kasali patunay na ang pitong pelikula ay nabigyan ng rating ng Cinema Evaluation Board (CEB).
Ang awards night ay naka-schedule sa Dec. 28 at the Resorts World Performing Arts Theater, hosted by AiAi and Cesar Montano.
Malaki ang magagawa sa kikitain ng mga pelikula ang mga mananalo sa gaganaping Gabi ng Parangal kung saan ang mga magwawagi ay tatanggap ng trophies at cash prizes.
Isasama sa nasabing awards night ang mga nanalo sa The New Wave entries na ipinalabas noong Dec, 17 to 21 sa Robinson’s Galleria.
Mapapanood ang awards night sa ABS-CBN sa January 1, 2012, 10:30 p.m.
Teka may nanood ba ng mga pelikulang nakasali sa New Wave entries? Wala kasing balita.
Ay isa pa nga palang attraction tuwing magkakaroon ng parade of stars ay ang patalbugan ng float.
Sino kaya ang mananalo sa kanila?