MANILA, Philippines - Para sa karamihan, wala nang halagang maituturing ang mga basura. Ngunit para kay Cristy Peñacosa at sa kanyang pamilya, ito ay nagsisilbing pangunahing pinagmumulan ng kanilang pang-araw araw na pangangailangan kabilang na ang kanilang pagkain.
Ngayong Biyernes ng gabi sa Tunay Na Buhay, kilalaning muli si Cristy at ang kanyang pamilya kasama si Rhea Santos sa kanilang pagsuyod ng mga basurahan ng Metro Manila upang makahanap ng mga basurang ibebenta upang i-recycle at mga basurang i-rerecycle upang maging hapunan-sa konting pagpag, pantawid gutom na rin.
Tunghayan kung papaano ibsan ni Cristy at ng kanyang pamilya ang kanilang kumakalam na sikmura sa Tunay Na Buhay ngayong Biyernes ng gabi pagkatapos ng Saksi sa GMA 7 .