Kylie lumalamig na ang relasyon kay Aljur

Couple Aljur Abrenica and Kylie Padilla are drifting apart. At hangga’t hindi sila nagkakaroon ng project na magkasama, mabubura sa kaisipan ng lahat na may magandang pagtitinginan na namamagitan sa kanila. It seems na wala namang problema rito ang dalawa. The less they are talked about and seen together the better. They can go about doing their duties na hindi nadadalirot ang napapabalitang ugnayan nila na una nang tinutulan ng ama ng dalaga na si Robin Padilla.

Pero kung kailan parang sumasang-ayon na ito at saka naman para lumalamig ang dating samahan ng dalawa. Katunayan nang tanungin si Kylie kung ano ang plano nilang dalawa ngayong Kapaskuhan, wala itong masabi.

“Sobrang busy kami, hindi kami nagkakausap o nagkikita,” paliwanag nito.

Bagama’t magkasama sila sa Party Pilipinas, limitado ang kanilang panahong makapag-usap. Kasama rin si Aljur sa seryeng Amaya na nararamdaman na ang malapit na ang pagtatapos.

Si Kylie naman ay may sisimulang serye, ang Prodigal Daughter, na siya ang title role at si Rocco Nacino ang ka-partner niya.

 

Sen. Bong tina-target si Angel

Bagama’t hindi siya nagbigay ng direktang sagot sa kung may balak ba siyang lumipat sa TV5 sa pagtatapos ng kanyang kontrata sa GMA 7, lumusot si Sen. Bong Revilla, Jr. sa pagsasabi na baka matuloy na ang paglabas niya sa Star Cinema sa 2012. Matagal nang may offer sa kanya ang film arm ng ABS-CBN at wala naman itong problema sa GMA 7 na kung saan ay may kontrata siya pero sa TV lamang, sa pelikula ay puwede siyang gumawa kahit saan.

If ever gusto niyang makatrabaho si Angel Locsin na bukod sa maganda na ay magaling pang artista. Pero kung hindi ubra si Angel, welcome sa kanya ang kahit sinong Kapamilya actress.

“Marami naman silang mga artista run,” sabi niya.

 

Miss PMPC kuwela

Pinakamasayang Christmas party na marahil ang ipinagdiwang ng Philippine Movie Press Club (PMPC) this year. Highlight ng party ang pagdaraos ng kauna-unahang Miss PMPC kung saan ay nag-effort lahat ng kasali na magsuot ng pinakamagagandang gown at magpa-makeup at hairstyle na talagang magbibigay ng insecurity sa mga babaeng miyembro ng Club. Pero sa halip na ma-insecure, napasaya ng anim na naglaban-laban (Benny Andaya, Cesar Pambid, George Vail Kabristante, Boy Romero, Ruben Marasigan, at Timmy Basil) hindi lamang ang kababaihan ng PMPC kundi maging ang mga katulad nilang bading.

Maaaring maging malaki ang kalamangan sa kanila ng mga nagdyu-join sa mga national beauty contests pagdating sa beauty but definitely, hindi sa intelligence. One of the contestants, Boy Romero, gave everyone a lengthy lecture on global warming, which earned him the title Miss Witty. Yes, magagaling sumagot ang anim, mapa-Ingles man o Tagalog, kaya naman gumugulong sa saya ang mga kasamahan nila na pakiramdam ko ay hinayang na hinayang dahil hindi sila sumali.

Nagsilbing hosts sina Jun Lalin, Aaron Domingo, at John Fontanilla.

Present ang karamihan sa naging pangulo ng PMPC (Ethel Ramos, Ronald Constantino, Ernie Pecho, Nene Riego, Letty Celi, Julie Bonifacio, Roldan Castro, Rommel Gonzales, Joe Barrameda, Fernan de Guzman) at lahat sila ay pinuri ang kasalukuyang administrasyon ng PMPC sa mabuti nilang pagpapatakbo ng Club.

Naging panauhin din ang ilang mga kasamahan sa hanabuhay na sina Vir Gonzales, Chito Alcid, at Virgie Balatico, ganundin ang mga artistang sina Stef Prescot at Edgar Allan Guzman na hindi na artista ang turing ng PMPC kundi mga kapatid na sa hanapbuhay.

Sa lahat ng nagbigay para sa ikasisiya ng aming taunang Christmas party, maraming salamat sa inyo at pagpalain kayong lahat.

Napaka-generous din ng Public Attorney’s Office (PAO) na pinamumunuan ni Atty. Persida Acosta. Nagbigay ito ng isang thanksgiving party sa entertainment media na tumulong hindi lamang sa pagpapalaganap ng mabubuting gawain ng kanyang opisina kundi maging sa laganap niyang programa sa TV.

Show comments