Akting nina Ryan at Juday panlaban!
MANILA, Philippines - Tampok sa pinakakaabangang lahok sa Metro Manila Film Festival na My Househusband: Ikaw Na! ang mga bidang artista na kilala sa mahusay nilang pagganap sa mga pelikula attelebisyon.
Inaaasahang ang ipinakita nilang pag-arte sa My Houseband: Ikaw Na! ay makikipagpukpukan nang husto sa awards night sa Disyembre 28.
Gumaganap bilang Mia na isang ina at maybahay at tanging breadwinner sa pamilya si Judy Ann Santos na nakabuo na ng sariling kredibilidad bilang akres sa loob ng 23 taon niya sa showbiz. Nakagawa na siya ng 70 pelikula na marami ay nagbigay sa kanya ng mga acting award.
Maging si Director Joey Reyes ay nagsasabing makatotohanan ang naging pag-arte ni Judy Ann sa My Houseband: Ikaw Na! na ipinalalagay na bunsod ng katotohanan na kapareha niya rito ang asawa niya sa tunay na buhay na si Ryan Agoncillo.Marami nga ang humuhulang makakakuha si Judy Ann ng Best Actress trophy sa 2011 MMFF.
Kahit mas nakilala si Ryan Agoncillo bilang television host, isa rin siyang malakas na pambato sa Best Actor category dahil sa pagganap niya sa papel ni Rod, isangmister na naging bank manager sa una pero sa bandang huli ay naging househusband.
Pelikula rin ni Ryan ang My Houseband: Ikaw Na! dahil mas marami siyang eksena rito kumpara sa ibang cast.
Nang huling makatrabaho ni Ryan si Direct Joey (sa Kutob noong 2006), nanomina siya sa Best Supporting category sa FAP Awards.
Sa nagdaan namang limang taon, kaliwa’t-kanan ang mga awards o parangal na tinatanggap ng komedyanteng si Eugene Domingo. Isa siya sa iilang aktres na napasama sa anim na pelikulang gawa ng walong iba’t-ibang Filipino production companies saloob lang ng isang taon.
Sa My Househusband: Ikaw Na!,gumaganap si Eugene bilang Aida, isang kerida at kapitbahay nina Rod at Mia. Dahil laging wala sa bahay si Mia, nagkapalagayan ng loob at naging magkaibigan sina Rod at Aida.
Tamawosa Shake…matagal na sa showbiz
Maaaring hindi pamilyar sa marami si Manu Respall pero umaasa siyang makikilala rin siya kapag naipalabas na sa mga sinehan mula sa Disyembre 25 ang Tamawo episode ng Shake, Rattle and Roll 13 ng Regal Multimedia Inc.
Si Manu mismo ang gumaganap ng karakter na Tamawo at ipinagmamalaki niyang nabigyan niya ng naiibang panlasa ang karakter.
“Galing sa akin ang 70 porsiyento ng lengguwahe ni Tamawo,” sabi pa ni Manu. “Mahilig ako sa mga lengguwahe.Kaya nga, nang sabihanako ng direktor kong siRichard Somes na likhain ang sariling lengguwahe ni Tamawo, hindi na ako nahirapang gawin ito.”
Lingid sa kaalaman ng marami, matagal na sa showbiz si Manu. Nanomina siyang Best Supporting Actor sa Cinema One Film Festival para sa pelikulang Yanggaw.Kasama rin siya sa Corazon (Star Cinema),Joel Lamangan’s Bugbog Sarado,Ato Bautista’s Carnivore at mga dayuhang pelikulangThe Dead Man’s Smile at Chasing Fire.
Nagpakalbo siya at tinanggihan ang isang fashion show appearance para sa paglabas niya sa Maalaala Mo Kaya (MMK) episode na Switcher. Isa pang ginagawa niya ang MMK episode na The Mark Bautista Story.
Lumabas din siya sa Sa ‘Yo Lamang ni Joel Lamangan.
Produkto rin ng teatro si Manu na nakapagtanghal na sa Dulaang UP, PETA at Dramatis Personae. Graduate din siya ng Industrial Design sa University of the Philippines.
Naging host din siya sa iba’t-ibang okasyon mula noong 1995.
Lumabas rin siya sa mga TV commercials.
Nagdirihe rin siya sa mga stage plays, concerts, fashion shows at TV commercials atnagko-choreographs.
- Latest