^

PSN Showbiz

Lovi walang planong salubungin si Ronald Singson paglabas ng kulungan

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Isi-celebrate ni Lorna Tolentino ang kanyang 50th birthday bukas at ayaw muna niya ng party na madalas na ginagawa para sa kanya ng mga malalapit na kaibigan.

Gusto niyang gugulin ang kanyang araw sa kanyang farm sa Cavite.

Meron naman siyang konting handaan doon para sa mga kaibigang pupunta roon para mag-relax.

Ang gusto lang niya ay i-enjoy ang malamig at sariwang hangin sa kanyang farm kasama ang kanyang mga anak at malalapit na kaibigan.

Samantala, kahit guest appearance lang si Lorna sa Panday 2, excited siya sa pelikulang ito dahil marami ang nakapansin sa kanya at malaki ang participation niya sa pelikula.

Paghahandaan na niya ang part three ng Panday dahil siya ang lalabas na matinding kalaban ni Flavio na ginampanan ni Sen. Bong Revilla, Jr.

PAK: Totoo kaya ang narinig naming halos 10 milyong piso ang naipatalo nitong sikat na male celebrity sa sabong?

Sa panahon ngayon na dapat ay magtulungan para sa mga nasalanta ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro at Iligan City, parang hindi tamang magpatalo ka ng ganun kalaki sa sugal.

BOOM: Hindi sasama si Lovi Poe sa pagsundo sa dating Cong. Ronald Singson na nakatakda nang lumabas ng kulungan sa Hong Kong sa Jan. 12.

Sa premiere night ng Yesterday Today Tomorrow, nagpahayag si Lovi na gusto niyang ibigay ang moment na ’yun sa pamilya ni Ronald.

Masaya siya sa nalalapit na paglaya nito, pero dito na lang muna siya dahil marami rin siyang tatapusing commitment.

Sisimulan na ni Lovi ang Legacy sa GMA 7 at abala pa ito sa promo ng pelikula niyang entry sa Metro Manila Film Festival.

vuukle comment

BONG REVILLA

HONG KONG

ILIGAN CITY

LORNA TOLENTINO

LOVI

LOVI POE

METRO MANILA FILM FESTIVAL

PANDAY

RONALD SINGSON

YESTERDAY TODAY TOMORROW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with