MANILA, Philippines - Pag Pasko ay ubus-ubos biyaya, pagdating ng bagong taon ay nakatunganga. Ganyan daw tayong mga Pinoy kapag panahon ng Christmas bonus.
‘Tis the season to spend, ‘tis the season to swipe. Ito raw ang motto ng marami sa atin tuwing Pasko kaya naman butas ang bulsa pagpasok ng New Year. Kaya raw marami ang hindi jolly pagkatapos pa lang ng Pasko dahil kahit pa may Christmas bonus, baon na sa utang nang hindi namamalayan.
Ayon sa Credit Card Association of the Philippines, P14.6 billion ang utang ng mga Pinoy sa credit card as of September 2009. Hindi raw kasi mahirap magkaroon ng credit card, at kalimitan ay ‘di agad nababayaran ang buong utang buwan-buwan.
Sa Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie, ilan sa mga nagkaroon ng aberya sa credit card ang itatampok ng programa.
At dahil Pasko, may tips din si Mareng Winnie kung paano makakatipid sa panahong ito.