Janelle Manahan binisita si Sec. De Lima

SEEN : Nakiramay sa mga sinalanta ng Bagyong Sendong ang sikat na NBA player na si Paul Gasol.

SCENE : Ang paliwanag ng Malacañang Palace na nagtagal lamang ng kalahating oras sa Christmas party ng Presidential Security Group si P-Noy na binabatikos dahil sa tweet ni Valerie Concepcion na natawa ang presidente sa kanyang mga biro.

SEEN : Halata na ang ipinagbubuntis ni Janna Dominguez sa mga eksena niya sa Pepito Manaloto. Ginawang buntis na kasambahay ang role ni Janna sa Pepito Manaloto.

SCENE : Walang premiere night ang mga pelikula ng Star Cinema na kasali sa Metro Manila Film Festival, ang Enteng ng Ina Mo at Segunda Mano.

SEEN : Hinihi­ling ng abogado ni Janelle Manahan na ilagay sa watchlist ng Department of Justice ang lahat ng mga kapatid ni Ramgen Revilla na isinasangkot sa murder case ng aktor.

SCENE : Personal na nagpunta kahapon si Janelle Manahan sa opisina ni Justice Secretary Leila De Lima upang mag-apply sa Witness Protection Program ng Department of Justice.

Show comments