Talagang tutuparin ni Aiza Seguerra ang pangako niya sa kanyang ina na bibigyan niya ito ng apo. Gagawin niya ito sa tulong ng makabagong siyensya na tinatawag na artificial insemination. Pero hindi pa ngayon, mga apat na taon pa kapag nasa edad 29 na siya at handang iwan sumandali ang kanyang pag-aartista bilang paghahanda sa paglaki ng kanyang tiyan. Tutuntong pa lang ito sa edad na 25 sa kanyang birthday.
Iba rin naman itong si Aiza, payag kahit nine na buwang magdala ng bata sa kanyang katawan mapasaya lamang ang kanyang mga magulang, at maging siya rin. Puwede naman siyang mag-ampon na lang na gagawin din niya bago ang plano niyang artificial insemination.
Ano kaya ang say dito ng love niya? Tanggap kaya nitong lumobo ang tiyan ni Aiza? Bakit kaya hindi na lang niya napagpasyahan na gayahin ’yung proseso na napanood ko sa TV, isang role na pinagdaanan ni Carla Abellana nang ang kanyang anak ay pinili niyang ipagbuntis ng ibang babae, ni Michelle Madrigal, dahil wala siyang kakayahang magbuntis?
Pasko Na…
Anim na araw na lang at Pasko na! Tapos na ba kayong mag-Christmas shopping? Hindi pa? Wala kayong pambili?
Huwag n’yo nang problemahin ang kawalan n’yo ng bagong damit at sapatos. Puwede naman kayong bumili ng mga ito kahit hindi Pasko. Ang importante, there’s food in your table. Kahit isang putahe lang maging masaya na kayo, hindi lang kayo ang naghihirap. Lahat tayo!
Mas maraming problema ang mga richie, ang utang nila limang patong ng utang n’yo. Pasalamat na lang kayo na wala kayong sakit. Makapagtatrabaho pa kayo.
Maraming dahilan para ipagdiwang ang kaarawan ng Diyos. Huwag ang masama ang isipin n’yo, think of the good things. God loves more those who are weak, sick, and who have less in life.