^

PSN Showbiz

ER nagsawa sa kahahalik kay Carla­­

- Veronica R. Samio -

Hindi naman naging all-male cast ang duma­ting sa red carpet premiere ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story. Da­hil expected na ng lahat ang patuloy na ’di pagsu­porta ng pinakabidang babae sa pelikula na si Carla Abellana. Tinanggap na rin ng buong produksiyon ang absence nito. Hindi rin nakita ang nagrereklamong sina Phillip Salvador na maganda ang role bilang nakatatandang kapatid ni Asiong Salonga at unang-una ang pangalan sa credits ng pelikula at ang direktor nito na may isyu rin at ipinatatanggal ang kanyang pangalan sa pelikula sa kadahilanang hindi pa malinaw sa lahat.

Ang hindi inaasahan at ikinagulat ng napakaraming dumalo sa unang pagpapalabas sa sinehan ng ika-apat pagsasa-pelikula ng buhay ng isang hari ng Tondo ay ang pagdating ng Superstar ng pelikulang Pilipino na si Nora Aunor. Dumating ang nagbabalik-bayang aktres nang nakapasok na ng sinehan ang buong cast ng pelikula sa pangunguna ni Laguna Gov. Jeorge “ER” Ejercito, Yul Servo, Dennis Padilla, Ba-ron Geisler, Ping Medina, Ketchup Eusebio, Gerald Ejercito, John Regala, Amay Bisaya, Jaycee Parker, Archie Adamos, Ronnie Lazaro, Joko Diaz, at marami pang iba.

Dumalo rin at nakasama ng gobernador at bida sa pelikula ang kanyang maybahay na si Maita Ejer­cito, mayora ng lalawigan ng Pagsanjan.

Ang ganda naman pala ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story. Kung sino man ang nagdirek nito, si Direk Tikoy Aguiluz man na siyang bumuo ng pelikula o iba man na siyang nagtapos nito na marahil ay ugat ng galit niya. 

I came to watch the film na tanggap ng hindi ko ito magugustuhan. Unang-una na hindi ako mahilig sa mga gangster movies, kahit katulad pa ito ng The Untouchables at The Godfather. Pero laking gulat ko, nagustuhan ko ito! May lambot ang kuwento na aakit maging sa mga babaeng manonood. Maganda ’yung mga nakakikiliting eksena nina ER at Carla na gumaganap na mag-asawa.

Maganda rin ang cinematography, parang lara­wan ang mga eksena. Nakakahawa ’yung saya ng theme song na Hari ng Tundo na ginawa at inawit ni Gloc 9, pero nakakadala ng emosyon ’yung lumang kantang La Paloma na si Ely Buendia ang ku­manta, sa isang masayang eksena bago ang mal­ungkot na finale.

Sa acting ng mga artista, wala kang itatapon, lahat napaarte at nabigyan ng direktor ng kanya-kanyang moment. Kahit marami sa kanila ang gumaganap na kontrabida, iba-iba ang atakeng ginawa nina Baron, John, Ronnie, Joko, Archie, at Roldan Aquino sa kani-kanilang role. Sinabihan ko nga si Amay Bisaya makatapos ang pelikula na dapat ay magpasalamat siya sa produksiyon dahil pinakamagandang role ang na-assign sa kanya sa pelikula.

Akala ko rin ayaw ko ng black and white movies, pero hindi ko napansin ang kawalan ng kulay ng pelikula bukod sa itim at puti, nabuhos ang pansin ko sa kagandahan ng mga eksenang namalas ko.

Nagsawa si ER ng kahahalik kay Carla pero walang makitang kalaswaan sa mga eksena nila bilang mag-asawa. Instead, what the audience saw was one man’s love for his wife, yes, mag-asawa sila dahil may wedding scene sila.

Maganda ang kuwento ng pag-ibig ng dalawa kahit pa may mga ibang babaeng nagbigay ng dibersiyon kay Asiong tulad nina Valerie Concepcion at Jaycee Parker.

Ang Asiong Salonga pa lamang ang Metro Manila Film Festival entry na napanood ko.

AMAY BISAYA

ANG ASIONG SALONGA

ARCHIE ADAMOS

ASIONG SALONGA

ASIONG SALONGA STORY

JAYCEE PARKER

MAGANDA

MANILA KINGPIN

PELIKULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with