SCENE: Hindi dumating si dating Pangulong Joseph Estrada sa premiere night ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story. Hindi nangyari ang inaasahan na pagkikita nila ni Nora Aunor. Nagkaroon ng iringan ang dalawa nang talikuran ni Nora si Erap noong 2001 at nakiisa siya sa People Power EDSA Dos.
SEEN: Si Nora Aunor sa premiere night ng Asiong Salonga Story. Kinilabutan si Nora sa magagandang eksena at theme song ng pelikula ni Laguna Governor Jeorge Estregan. Si Nora ang katambal ni Jeorge sa El Presidente, ang film bio ni General Emilio Aguinaldo.
SCENE: Ayaw sagutin ng direktor na si Rico Gutierrez ang isyu na galit sa kanya si Tikoy Aguiluz dahil nakialam siya sa editing ng The Asiong Salonga Story.
Hindi mahilig sa kontrobersiya at intriga si Rico.
SEEN: Ang fund-raising drive ng ABS-CBN, GMA 7, at TV5 para sa mga kababayan natin sa Mindanao na sinalanta ng Typhoon Sendong.
Tulung-tulong ang rival TV networks sa pamimigay ng tulong.
SCENE: Ngayong gabi ang red carpet premiere ng Shake, Rattle & Roll 13 sa SM Megamall Cinema 9 at darating ang mga artista ng official entry sa 37th Metro Manila Film Festival (MMFF) ng Regal Multimedia, Inc.
SEEN: Nagpakitang-gilas si Baron Geisler sa mga eksena niya sa Asiong Salonga Story ngunit mas mahaba ang role ni Amay Bisaya kesa sa kanya.
SCENE: Nagmistulang Eat Bulaga ang ASAP Rocks kahapon dahil sa live guesting nina Vic Sotto, Jose Manalo, Ruby Rodriguez, at Wally Bayola. Nag-plug ang apat sa ASAP Rocks ng Enteng ng Ina Mo, ang MMFF entry nina Vic at AiAi Delas Alas.