Eugene Domingo tatapusin ang taon ng buwis-buhay

MANILA, Philippines - Masagana ang taong 2011 para kay Eugene Domingo. Sinimulan niya ang taon sa pasabog na performance niya sa Gunaw episode ng My Valentine Girls kapareha si Richard Gutierrez at tatapusin niya ang taon sa buwis-buhay niyang pagganap sa Rain, Rain, Go Away! episode ng pinakamalaking edition ng Shake, Rattle & Roll na official entry ng Regal Entertainment, Inc. ngayong Metro Manila Film Festival (MMFF)!

Sa taon ding ito pinatunayan ni Eugene ang pagiging reyna ng indie movies dahil sa pelikula niyang Ang Babae sa Septic Tank na pinag-usapan ng husto sa nakaraang Cine­malaya indie filmfest. Bukod sa nakaaaliw at nakababaliw niyang akting na tunay namang umani ng papuri sa mga kritiko at mahihilig sa movies, tinanghal pa siyang best actress ng naturang event. Eh bukod sa award na ’yon, nabigyan pa ng oportunidad si Eugene na mapanood ang performance niya sa movie nang ipalabas ito sa ibang bansa dahil sa iba’t ibang film festivals na sinalihan ng pelikula.

Ilan pa sa nagawang movie this year ay ang Wedding Tayo, Wedding Hindi! at ang markadong performance niya sa box-office surprise na Zombadings: Patayin sa Syokot si Remington. Nakatanggap din ng best supporting actress this year si Eugene dahil sa pagganap niya sa Ang Tanging Ina N’yong Lahat.

Eh ngayong MMFF, si Uge ang flag bearer ng pinakamalaki, pinakamagastos, at pinaka-nakakatakot na Shake, Rattle & Roll 13.

Malaki ang tiwala sa kanya ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde bilang box-office attraction base sa track record niya sa takilya this year kaya binigyan siya ng importansiya sa billing at promotional materials ng movie.

Kaya naman kahit meron pa siyang ibang entries ngayong festival, hinding-hindi bibiguin ng komed­ya­na ang tiwala at suporta ng kanyang mga producers sa SRR 13.

“Mas pinili kong sumakay sa float ng ‘Shake, Rattle & Roll’ sa Parade of Stars sa December 24 dahil gusto kong suklian ang halagang ibinigay sa akin ni Mother Lily at Roselle Monteverde. Hindi sila nag-atubiling gastusan ang episode ko kahit one third lang ito sa kabuuan ng pelikula,” sabi ni Uge.

Ayon pa kay Eugene, ikayayanig ng manonood ang pagkakagawa ni Chris Martinez sa episode niya with Jay Manalo, Edgar Allan Guzman, at Boots Anson Roa.

Bukod sa episode ni Eugene, ipinagmamalaki rin ng SRR 13 ang dalawa pang bahagi ng horror franchise na Parola nina Kathryn Bernardo, Sam Concepcion, Louise delos Reyes, Hiro Magalona, Dimples Romana, Julia Clarete, Inah Raymundo, at sa direksiyon ni Jerrold Tarog.

Gayundin ang Tamawo episode nina Zan­joe Ma­rudo, Maricar Reyes, Celia Rodriguez, at Bu­goy Cariño na mula naman sa direksiyon ng award-winning production designer na si Richard Sommes na lumikha ng bago, nakakatakot at puno ng sindak na mga maligno!

Ryza nadagdagan ang confidence

Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang naging performance ni Ryza Cenon sa natapos na programang Time of My Life sa GMA 7 kung saan gumanap siyang dance group leader. Kasi naman pala sineryoso niya ang nasabing role kung saan nag-aral pa sila ng pole dancing na ginastusan niya. “Galing ’yun sa sariling pera ko,” she said.

At next year, ang Ultimate Female Survivor ng StarStruck Second Edition some years back ay sasabak na naman sa aktingan, sa gagawing teleserye ng Kapuso Network na Legacy.

Tatahi-tahimik si Ryza pero bongga ang takbo ng career niya. Hindi kasi siya namimili ng mga gagampanang role basta feel niyang makakaya niyang i-justify.

Muntik na siya actually na ma-stereotype bilang kontrabida, playing bad girl sa Langit sa Piling Mo, Koreana, at Machete.

Pero bumawi siya sa Time of My Life, talagang nagpakita siya ng skin. Pero after naman nun, she feels more confident than ever.

“Open po ako to pose sexy basta okay ang concept at execution,” she said na meaning ay ready na siya sa sexy magazines pero dapat hindi bastusin ang hitsura.

Ang GMA Artist Center ang nagpu-push ng career ni Ryza.

Naniniwala silang malayo ang mararating ni Ryza dahil sa kanyang positive attitude.                                         

Show comments