TF ni Marian dinoble sa My Beloved

Tuwang-tuwa ang mga fans nina Dingdong Dan­tes at Marian Rivera sa announcement ng GMA 7 na ang aktres na ang makakapareha ng ak­tor sa My Beloved, kapalit ni Rhian Ramos na kai­langang mag-back out.

Last Friday, nag-shoot na ng cinema plug si Marian para makahabol sa showing ng movies sa 2011 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ayaw muna sanang gumawa ng soap ni Marian dahil gustong magpahinga after 10 months na taping ng Amaya pero hindi matanggihan nang bigwigs na ng network ang kumausap sa kanya. Gusto rin nitong suportahan ang boyfriend at alam din ni Marian na matagal nang hinihintay ng fans nila ni Dingdong ang balik-tambalan nilang dalawa dahil Endless Love pa ang last team-up nila.

Twice ini-offer kay Marian ang My Beloved bago tanggapin at hindi nagdalawang-isip ang bigwigs ng GMA 7 na operan siya ng double talent fee sa talent fee niya sa Amaya.

Panday nasa Bangkok Pa

Ang bilang ni Sen. Bong Revilla, Jr. umabot na sa P80 million ang nagasta ng Imus Productions at GMA Films sa Panday 2 at still counting pa dahil hindi pa tapos ang post-production ng movie. Nasa Bangkok ang movie ngayon dahil dun nilalapatan ng 7.1 Dolby sound at tama ba kaming ang Panday 2 ang first local movie na ginamitan ng 7.1 Dolby sound dahil hanggang 5.1 pa lang tayo?

 May dalawang posters ang Panday 2, ang isa’y solo ni Bong at ang isa’y kasama sina Marian Rive­ra, Rhian Ramos, Iza Calzado, at iba pang cast ng movie.

“Pero hindi lang special effects ang pambenta namin, maganda rin ang story ng Panday 2, kakaiba ang twist at maraming surprise guests. Idagdag pang puro magagandang babae ang kasama namin ni Kuya Ipe (Phillip Salvador) dito. Hindi lang ito pambata, pang-buong pamilya,” plugging ng se­nador-aktor.

Malaking kita ni Rhian pinerwisyo rin ni Mo

Magtatagal pala sa abroad si Rhian Ramos dahil after Bangkok, kung saan, naroon ang ama, dede­retso ito ng England at mag-i-stay with her paternal grandmother. Wala pang balita kung kailan ito babalik ng ’Pinas at mabuti na rin ’yung wala siya kung totoo mang babalik si Mo Twister sa Christmas.

Ang nakapanghihinayang lang sa pagkawala ni Rhian ay ang mga trabahong naiwan niya. Hindi siya nakapag-promote ng Panday 2, pinalitan na siya sa My Beloved, at tigil muna ang shooting ng My Kontrabida Girl at hindi maipapalabas sa Feb. 8 target playdate ang movie sana nila ni Aljur Abrenica.

Wala rin sa Party Pilipinas at Manny Many Prizes si Rhian. Talent fee wise, ang laki nang nawala sa aktres pero ang pinakamalaking perwisyong ginawa ni Mo ay ang guluhin ang mundo ni Rhian.

Show comments