^

PSN Showbiz

Kalusugan na Kayamanan pag-uusapan!

-

MANILA, Philippines - Tuwing sasapit ang Kapaskuha’y wala na tayong sinisikap kundi bigyan ng ligaya ang ating mga mahal sa buhay … ibili sila ng mga bagay na minimithi at sikaping makasama ang buong pamilya o mag-bonding.

Pero, puro sila na lang ba ang inaalala mo? ‘Di ba dapat ay regaluhan mo rin ang ‘yong sarili? At ano pa nga ba ang mas mahalagang regalo kundi ang sikaping laging malusog ang ating katawan. ‘Di ba ang kalusugan ay kayamanan?

Kaya tutok lang sa GMA News TV program na Life And Style With Gandang Ricky Reyes ngayong Sabado ng umaga alas-diyes hanggang alas onse dahil ang tatalakayin ang iba-ibang modernong paraan kung paano nalulunasan ang mga sakit.

Una’y ang panayam ni Mader Ricky kina Nina Kongkatong, Lingling Ruiz at mga kasmang doktor na dumalo sa Stem Cell Congress sa Bangkok, Thailand. Ibabahagi nila ang natuklasang epektibo at makabagong proseso sa kalusugan ng mga tao.

May interbyu rin kina Bobby at Betty tungkol sa pagpapanatili ng lakas at kabataan. May espesyal na panoorin na magbubunyag ng mga sikreto ng mga pamosong kagandahang tulad nina Celopatra, Venus de Milo, atbp. At may payo rin sina Dr. X at Dr. Y sa kanilang segment na Doc Smiley para sa panga­ngalaga ng ating ngipin.

 Sa Problems Solved nama’y ipakikita kung paano ginagamot ang iba-ibang karamdaman.

 Ang Life And Syle ay produksyon ng ScriptoVision.

ANG LIFE AND SYLE

DOC SMILEY

DR. X

DR. Y

LIFE AND STYLE WITH GANDANG RICKY REYES

LINGLING RUIZ

MADER RICKY

NINA KONGKATONG

SA PROBLEMS SOLVED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with