Aba, ngayon lang lumalabas na hindi pala 100% ang naging trabaho ng direktor na si Tikoy Aguiluz sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story. Ngayon, pinatatanggal pa nito ang pangalan niya bilang direktor ng nasabing movie. Nakakuha naman ito ng “A” rating, na ang ibig sabihin ay maganda ang pagkakagawa nito?
May kinalaman sa pagkatay sa pelikula ang naging problema. Balitang 2:40 minutes na pelikula ay ginawang 1:45 minutes ni Direk Rico Gutierrez na ikinagalit daw ni Direk Tikoy.
Sana mag-usap na lang sila ni Gov. ER Ejercito para magkasundo sila bago man lang magsimula ang Metro Manila Film Festival. Baka makaapekto sa pelikula kung anumang isyu meron ang direktor.
Jennica at Alwyn nagkabalikan
Mukhang maganda ang ibinabadya nang sinasabing pagbabalikan ng mag-dyowang Jennica Garcia at Alwyn Uytingco. Sana lang mas kilala na nila ang mga sarili at adjusted na sila, mas magtatagal na sila dahil mababawasan na ang pag-aaway nila na dulot ng hindi nila masyadong kilala pa ang isa’t isa before.
I’m sure mas confident na rin ngayon si Alwyn dahil nakikita na ang talento niya, napapansin na. Dati kasi mas pansinin si Jennica, nao-overshadow siya. Hindi na ngayon dahil nabibigyan na siya ng chance ng TV5, na makakatulong ng malaki sa relasyon nila.
Kung nag-reconcile sina Jennica at Alwyn, sinasabi namang nagsisimula nang gumanda ang samahan nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson na nagsimula sa kanilang pagtatambal. O eh mabuti. Wala naman silang sabit at bagay naman sa isa’t isa. It’s time na magkaroon sila ng karelasyon dahil after Sarah ay hindi naman nagtagal ang balita kay Gerald with Bea Alonzo. ’Yung relasyon naman ni Sarah kay Rayver Cruz is long gone and forgotten.
Celebrities nagsasawa na sa Paskong Pinoy
Bakit kaya ang dami-daming Pinoy ang umaalis ng Pilipinas para mag-Pasko sa ibang bansa? Eh ang ganda-ganda ng Christmas celebration dito na bukod sa napaka-makulay ay mahaba pa. Pati mga celebrities, nag-aalisan din. Baka naman gustong makatikim ng ibang Christmas celebration, dahil ’yun nang ’yun lang ang palaging celebration dito. O baka gusto ng snow.
BIMBY Tagalog tutor ang kailangan, hindi na kailangang ilipat ng eskuwelahan
Ang galing naman ni Kris Aquino. Ililipat nito ng eskwela ang bunso niyang si Baby James/Bimby dahil nababawasan na ang pagka-Pinoy nito dahil hindi na marunong magsalita ng Tagalog. Spokening dollars na ang anak niya sa basketbolistang si James Yap. Baka naman sa bahay nila ay Ingles ang usapan.
At baka siya rin naman ay Ingles nang Ingles kaya ang anak ay lumalaking Inglisero rin. Kahit ilipat niya ito ng school, kapag sa bahay nila at bahay ng mga kamag-anak na pinupuntahan nila ay hindi Tagalog ang usapan, balewala rin. Get him na lang a Tagalog tutor.