Annabelle kinasuhan ng attempted kidnapping si Nadia

Marami ang naloka dahil attempted kidnapping at hindi harassment ang kaso na isinampa ni Annabelle Rama laban kay Nadia Montenegro.

Hindi ko kinuwestyon ang kaso na isinampa ni Bisaya dahil sure ako na may approval ’yon ng kanyang lawyer. Napa-smile lang ako dahil walang nag-akala na attempted kidnapping ang ikakaso niya laban kay Nadia at sa mga pulis na kasama nito na nagtangka na umakyat sa kanyang opisina sa Imperial Palace Suites noong Dec. 6.

Ang GMA 7 news reporter na si Nelson Canlas ang witness ni Annabelle dahil siya ang nakausap ni Nadia at ng mga pulis na bumisita sa Imperial Palace Suites.

Nag-submit si Nelson ng sinumpaang salaysay tungkol sa insidente na nangyari. Ikinuwento niya na walang naipakita na warrant of arrest ang mga pulis na nag-attempt na pumasok sa opisina ni Bisaya.

Special mention si Mother Lily Monteverde sa affidavit dahil siya ang tumawag sa telepono ni Anna­belle at nagsabi na hinahanap ito ng mga pulis.

Ang say ni Annabelle, kung hindi siya nabigyan ng babala ni Mother, baka nagpunta siya sa opisina niya sa Imperial Palace Suites at natangay siya ng mga pulis na walang bitbit na warrant of arrest.

‘Hindi ako nagwo-worry’

Kagabi ang Christmas party ng PSN (Pilipino Star NGAYON) at nakagayak ako na pumunta pero nagbago ang isip ko dahil nainis ako sa sobrang trapik. Hindi na lang ako tumuloy dahil ayokong maki­pagkita kay Papa Miguel Belmonte na harassed na harassed ang hitsura ko. Gusto ko, maganda ako as in at my best ako kapag nakikipagtagpo ako sa kanya para i-claim ang aking Christmas gift.

Hindi naman ako nag-worry na baka hindi ipadala ni Papa Miguel ang kanyang Christmas gift sa akin dahil alam ko na hindi niya ako matitiis. Merry Christmas Papa Miguel!!!

Pokwang touched na touched, mga Pinoy sa Amerika pinanood ang kanyang pelikula

Anak ni Pokwang ang role ni Rayver Cruz sa A Mother’s Story ng TFC. Si Nonie Buencamino naman ang gumanap na dyowa ni Pokwang sa drama movie ng TFC na ipalalabas sa mga sinehan sa Jan. 8.

Pamilyar ako sa project dahil muntik nang ma-ging cast member nito si Tonton Gutierrez. Nabasa ni Tonton ang script ng pelikula at nagustuhan niya.

Ang kaso, busy noon si Tonton sa taping ng Minsan Lang Kita Iibigin at ayaw niyang nagla­lagare siya kaya hindi namin tinanggap ang project dahil baka magkaroon ng conflict sa schedule.

Maganda ang mga feedback sa A Mother’s Story dahil ipinalabas na ito sa iba’t ibang cities sa Amerika. Dinagsa ng mga kababayan natin ang premiere ng A Mother’s Story sa Alex Theater sa Glendale, California noong nakaraang buwan.

Touched na touched si Pokwang dahil hindi nito inaasahan ang mainit na pagtanggap sa kanya ng Filipino community sa Amerika.

Bong at Jinggoy bagay na hukom

Nakaramdam ako ng pagmamalaki para kina Senator Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla, Jr. nang manumpa sila bilang mga hukom sa impeachment case ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Bagay na bagay kina Bong at Jinggoy ang mga red robe na suot nila habang nanunumpa. Ang mga pulang robe ang gagamitin nila sa pagdinig sa im­peachment case laban kay Corona na diringgin sa susunod na buwan.

Proud ako dahil sa achievements nina Bong at Jinggoy sa senado. Binigyan nila ng karangalan ang mga taga-showbiz dahil sa mga tagumpay nila bilang mga mambabatas ng ating bansa. 

Show comments