51 Anak TV Seal Awards hinakot ng ABS-CBN
MANILA, Philippines - Mas tiwala ang mas maraming mga magulang sa mga palabas, artista, at tagapaghatid ng balita ng ABS-CBN para ipapanood sa kanilang mga anak sa telebisyon matapos humakot ng Anak TV Seal Awards ang Kapamilya Network kamakailan.
Nakakuha ng 24 parangal mula sa Anak TV ang ABS-CBN kaya naman ito na ang masasabing pinaka child-friendly na TV network sa bansa.
Anim naman sa Top Ten Most Well-Liked TV Programs sa bansa ngayong 2011 ay mula pa rin sa Kapamilya Network.
Nanguna sa listahan ang top-rating newscast sa bansa at International Emmy nominated na TV Patrol base na rin sa isinagawang Boto Ko To survey, kung saan tinanong ang piling mga Pinoy kung anong local TV show ang kanilang pinagkakapitagan sa kanilang mga kabahayan.
Ang lima pang Kapamilya programs na kalahok sa top ten ay 100 Days to Heaven, Showtime, Budoy, Maalaala Mo Kaya, and Matanglawin.
Pagdating naman sa pagbabalita, mas marami pa ring ABS-CBN anchor ang nakapasok sa talaan ng Anak TV Makabata Stars para sa taong ito. Pitong ABS-CBN broadcast journalist ang kinilala, lima mula sa GMA 7, at wala naman sa TV5.
Kabilang dito sina Kim Atienza, Noli de Castro, Ted Failon, Karen Davila, at Bernadette Sembrano Aguinaldo. Naiangat naman sa Hall of Fame sina Korina Sanchez at Julius Babao matapos itong mapabilang sa listahan sa loob ng pitong magkakasunod na taon.
Pinakapinagkakatiwalaan din ang mga Kapamilya Stars kung saan 12 ang pinangalanan bilang Makabata Stars kumpara sa isa mula sa GMA at dalawa mula sa TV5.
Sina Gerald Anderson, John Lloyd Cruz, Kim Chiu, Anne Curtis, Sarah Geronimo, Toni Gonzaga, Angel Locsin, Luis Manzano, Coco Martin, Piolo Pascual, Charo Santos, at Judy Ann Santos ang nakapasok sa listahan habang nailuklok din sa Hall of Fame si Gary Valenciano.
Samantala, ginawaran naman ng Anak TV seals ang mga programang Failon Ngayon, Junior MasterChef, Matanglawin, Kabuhayang Swak na Swak, Rated K, Salamat Dok, Wansapanataym, Why Not?, I Got It, Dora the Explorer, Spongebob Squarepants, Jimmy Neutron, at maging regional programs na Arangkada, Mindanao, Derecho (Iloilo), Halad sa Kapamilya, Maayong Buntag Kapamilya (Cebu), Maayong Buntag Mindanao, Maganda Umaga South Central, MagTV Na! Amiga, MagTV Na! Atin To! (Baguio), MagTV Na! Ato Ni! (CDO), MagTV Na! Cebu, and MagTV Na! Sadya Ta! para sa nilalaman nitong pabor sa mga kabataan.
Ang Anak TV Seal Award taunang ginagawad ng Southeast Asian Foundation for Children and Television para bigyang pugay ang mga child-sensitive na programa at personalidad sa bansa.
Ngayong 2011, 235 na parangal ang tinanggap ng ABS-CBN mula sa mga university award-giving bodies, CMMA, Golden Dove Awards, Star Awards, Golden Screen TV Awards, Asian TV Awards, Philippine Quill Awards, Anvil Awards, at Tambuli Awards.
Habang nakakuha ang GMA na 113 at TV5 na may 37.
- Latest