Kris niregaluhan ng bakasyon sina Dingdong at Marian

Siguradong pareho ang sagot nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na sabay ang showing ng mga pelikula nilang Segunda Mano at Panday 2  sa 2011 MMFF. Sabi ni Dingdong, okey lang kung maglaban ang movies nila ng GF dahil hindi puwedeng lagi silang magkasama.

“Suportahan na lang kami, ako naman, since day one, sinuportahan ko na si Marian at ganun din siya sa akin. Sa Parade of Stars, magkahiwalay kami, pero sa eve ng December 24, sa bahay kami ni Marian at sa Dec. 25, bibisita kami sa Cavi­te. Hindi kami lumalabas ng bansa ‘pag Pasko,” ani Dingdong.

Nabanggit ni Kris Aquino na ang Christmas gift niya kay Dindong ay bakasyon at kasama si Marian dahil ipinahiram sa kanya ang actor. Ang dating nito sa press ay airplane ticket ang gift niya sa magdyowa.

Rocco Masaya kay Sheena

Kabilang si Rocco Nacino sa WiFi Zone Raid Team na nagpapalaganap sa special offer ng PLDT myDSL this Christmas Season. Nagsimula noong December 1, 2011 at tatagal hanggang January 15, 2012 ang special offer, kaya mag-avail na for a free unlimited WiFi connection.

Sa presscon/launching ng project, na-share ni Rocco ang tuwa sa patuloy na pagdating ng blessings sa kanya. Isa na rito ang bagong afternoon soap na pagtatambalan nila ni Kylie Padilla.

Nag-storycon na lang Monday ang Prodigal Daughter to be directed by Mike Tuviera, mag-e-schedule na ng taping dahil January 30, 2012 ang airing nito. Kasama sa cast sina Raymond Bagatsing, LJ Reyes, Angeline Nicole Sanoy, Maxx Collins, Dion Ignacio, Daniel Matsunaga, LJ Reyes, at marami pang iba. 

Ang dinig namin, may gagawin ding pelikula si Rocco sa GMA Films ka­sama sina Derrick Monasterio at Alden Richards.

Masaya rin ang love life ni Rocco sa piling ni Sheena Halili.

Show comments