Huwag namang gawing isyu ang pagbi-break nina Piolo Pascual at KC Concepcion sa gagawing paglipat ng huli sa TV5. Nauna nang lumipat ang kanyang mga magulang kaya hindi nakapagtataka kung sumunod man siya sa kanila.
Huwag nang magbigay ng iba pang dahilan, sabihin na lang niyang gusto niyang sumubok sa iba. Mas maiintindihan pa ito ng tao. Huwag na ’yung dahilang ayaw niyang makita pa si Piolo. Napakaliit ng mundo ng showbiz, kahit magkahiwalay sila ng network, magkikita’t magkikita pa rin sila.
Rhian, manugang na hilaw na ni Sen. Panfilo
Manugang na hilaw na pala ni Sen. Panfilo Lacson si Rhian Ramos. Girlfriend na raw ito ng anak niyang si Jeric. At hindi ng dating dyowa ni Jodi Santamaria. Akala kasi ng marami ay ang ex ni Jodi ang current ni Rhian pero hindi pala, magkaibang tao sila na pareho lang ng apelyido.
May say kaya ang boyfriend ni Rhian sa pagpo-pursue niya ng kaso against Mo Twister? Baka wala at gusto lang linisin ni Rhian ang pangalan niya sa karelasyong bago. Dapat siguro para sa ikatatahimik ng lahat, para hindi kung anu-ano espekulasyon ang lumalabas. I’m sure naman walang pakialam dito si Jeric. Kung anuman ang nangyari, hindi niya panahon ’yun.
Vic at Aiai walang pag-asang magkainlaban!
Hindi naman siguro sadya ang sinasabing paggamit kay Pauleen Luna para sa promosyon ng Enteng ng Ina Mo. Palagay ko nga mas nakasira pa sa pelikula na meron ng bago si Bossing Vic Sotto, hindi na sila pagpapantasyahan pa ni AiAi delas Alas. Bigla ngang nawala ’yung anggulong romansa sa kanilang dalawa dahilan sa paglabas ng pangalan ni Pauleen.