^

PSN Showbiz

Bong 'natakot' lang kay Dingdong kaya hindi naligawan si Marian

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Walang kaba ang grupo ng Panday 2 sa pa­ngunguna ni Sen. Bong Revilla. Lahat kasi ay nagki-claim na no. 1 sa magsisimulang Metro Manila Film Festival sa December 25. “Alam naming maganda ang pelikula dahil mahigit isang taon namin itong ginawa,” sabi ni Sen. Bong sa tanong kung may takot ba siya sa magiging resulta ng pelikula nila.

Dagdag naman ni Marian: “siyempre gusto namin no. 1 din kami.”

Sa presscon ng pelikula ka­hapon, sinagot din ni Sen. Bong na kung siguro walang Dingdong (Dantes) si Marian­ ‘malamang na-dingdong na siya,’ sabay tawa ng senador habang nakatingin sa katabi niyang leading lady sa pelikula.

Ang sagot naman ni Ma­rian, “kung malinis lang, wala si ate Lani at mas late siyang pinanganak, mala­mang sinagot ko siya.”

Nauna nang ikinuwento ni Marian na safe ang pakiramdam ng kanyang ate Lani dahil siya nga ang ka-partner ng senador sa pelikula.

Hindi nga naman niya kailangang bantay-bantayan ang senador na lapitin ng leading lady.

Samantala, feeling long hair si Marian sa sinabi ni Dingdong na wala siyang ibang babaeng ma-imagine na puwedeng ligawan.

Magsasalpukan ang pelikula ng magkarelasyon - si Dingdong sa Segunda Mano at si Marian nga sa Panday 2.

Dedma si Marian kahit sinasabi ni Kris Aquino, co-prod ni Dingdong sa Segunda Mano na nagwi-wish sila ng mag-number 2 dahil number 1 ang Enteng Ng Ina Mo.

Claim ni Mrs. Dantes to be na kahit hindi nagda-diet ay parang 23 inches lang waist line, no. 1 din sila. 

New Wave Section ng MMFF mag-uumpisa na

Simula na sa December 17 na tatagal hanggang Dec. 21 ang pagpapalabas ng New Wave Section ng 37th Metro Manila Film Festival (MMFF). Ang New Wave Section ay composed of two categories : Full Lenght and Student Short Films.

Ang nasabing category ay naisip ng MMFF Executive Committe para ma-encourage at suporta­han ang mga independent film producers, students at mahihilig sa pelikula para magkaroon sila ng chance na maipapanood sa mas marami ang kanilang ginawa.

Kasama sa mga napili para sa Full Lenght category: Haruo by Adolf Alix, Ritual by Yeng Grande, HIV by Neal Tan, Dyagwar by Ogie Diaz and Sid Pascua and Pantakasi by Imee Marcos and Nelson Caguila.

Sa Student Short Films naman, napili ang Payaso from La Salle Lipa, Adivino from Asia Paci­fic Film institute, Sanayan Lang Ang Pagpatay from Ateneo de Naga, Biyahe ni Barbie from College of St. Benilde of Digital Arts, Oras from International Academy of Film and Television Cebu, Mate of Colegio de San Juan de Letran, I See Everything from Southville International School, Bagong Ligo from Mapua, M.A.A. Speechless of Miriam College and Ulan from Pixel Art of La Consolacion College.

Pipiliin sa dalawang caregory ang best film na isasabay ang awarding sa MMFF na gaganapin sa New World Resort Hotel sa December 28.

ADOLF ALIX

ANG NEW WAVE SECTION

ASIA PACI

BAGONG LIGO

BONG REVILLA

COLLEGE OF ST. BENILDE OF DIGITAL ARTS

ENTENG NG INA MO

METRO MANILA FILM FESTIVAL

NEW WAVE SECTION

SEGUNDA MANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with