^

PSN Showbiz

Dingdong nahirapang halikan si Kris!

- Veronica R. Samio -

Marami ang nagtataka kung bakit sa rami ng mga Kapamilya actor na lahat ay magagaling umarte ay isang Kapuso ang ginustong makapareha ni Kris Aquino sa Segunda Mano, isang entry sa Metro Manila Film Festival 2011.

Ang sagot : bukod sa co-producer ang GMA 7 artist sa pelikula, ang pagtatambal ng da­lawa ay napagpasyahan na nung huling election campaign. Ang bossing ng GMA7 na si Annette Gozon Abrogar at namumuno rin ng GMA Films ang unang nag-suggest na magteam-up ang dalawa. Pero nung mapag-usapan naman ito ni Kris at ng Star Cinema, na isa sa magpoprodyus ng pelikula, mas ginusto nito na sa kanila na gumawa ng pelikula si Dingdong. Hindi naman nahirapan ang actor na hingin ang pagpayag ng kanyang network. 

Gusto sana ni Kris na makatrabahong muli si director Chito Roño pero dahil abala ito sa isa pa ring horror movie nina Gob. Vilma Santos at Kim Chiu kaya kay Bb. Joyce Bernal na-assign ang pelikula.

“Sa simula pa lamang nang tanggapin ko ang hamon na magdirek ng isang suspense thriller ay natakot na ako. Akala ko kasi alam ko nang gumawa ng horror, hindi pala kaya takot na takot ako baka hindi nakakatakot ang magawa ko. Malaking tulong si Kris. Pinakagusto ko sa kanya ‘yung nagki-care siya sa movie, sinasamahan niya akong mag-isip ng mga details na baka nakalimutan ko. Nakikita ko agad ang reakasyon niya,” panimula ng director na nakilala sa kanyang mga rom-com movies.

Sagot naman ng presidential sister: “I care because nahihiya ako sa mga nag-invest sa movie. Ayokong pagsisihan nila ang pakikipag-co produce sa amin. Maski si Dong, puwede na lang kaming maging artista na lang. Pero I assure everybody, maganda ang pelikula namin. ‘Yung last 20 minutes ay pinakamagandang experience na mararanasan ng lahat ng manonood. Itataya ko rito pati ang pa­ngalan ng pamilya ko,” paniniyak ni Kris.

 Panay din ang papuri ni Kris kina Dingdong at Angelica Panganiban.

Segunda Mano is Dingdong’s movie, puwede siyang manalo ng award for his role of a father na sobrang gustong mabuo ang kanyang pamilya. May mga kissing scenes kami na kailangang iretake dahil walang dating kay Direk Joyce. Hindi siya nasarapan. But I understand kung bakit hirap si Dong na halikan ako. Meron kasi siyang isang magandang girlfriend at perfect ang relationship nila.

“Wala naman puwedeng gumanap ng role ng wife ni Ivan (Dingdong) kundi si Angel. Matagal ko na siyang gusto, ever since inempersonate niya ako.Siya ang pinakagusto kong maging Kris. Nabubwisit nga ako sa kanya dahil kahit pinapapangit na siya ay ang ganda-ganda pa rin niya,” sabi niyang may pagbibiro.

Kasama rin sa Segunda Mano na ipinagdarasal ni Kris na mag- No. 2 ay si Helen Gamboa na gumaganap na ina niya.

Kung si Carla Abellana, pinag-iisipan pa kung saan pupunta pagka-expire ng kontrata niya sa GMA, si Toni Gonzaga, walang alinlangan sa pag­ri-renew niya sa ABS CBN. Tatlong taon muli ang pinirmahan niya sa Kapamilya Network. Nakakapitong taon na siya rito.

ANGELICA PANGANIBAN

ANNETTE GOZON ABROGAR

BUT I

CARLA ABELLANA

CHITO RO

DIREK JOYCE

HELEN GAMBOA

KRIS

NIYA

SEGUNDA MANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with