MANILA, Philippines - Natuldukan na ang ilang dekadang paghihintay ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita nang nagdesisyon ang Korte Suprema kamakailan na ipamahagi na ang 4,900 ektaryang lupa nito sa 6,429 na nagsasaka rito.
Ngunit ang ilan sa kanilang may katandaan na ay nangangamba pa ring kung mapapasakanila ang lupang inaasam dahil kung hindi man dahil sa sobrang tagal, lubha na silang matanda para makapagtrabaho pa sa tubuhan o hindi kaya’y wala na.
Ngayong Martes (Dec. 13) sa Patrol ng Pilipino, samahan si Niko Baua na bisitahin ang Hacienda Luisita at kamustahin ang mga magsasaka nito. Nang marinig ni Niko ang saloobin ng mga magsasaka, nabatid niya ang hirap ng kanilang pinagdaanan dulot na rin ng ilang taong sila ay umasa.
Samantala, sasabak naman si Gretchen Malalad sa pagpo-pole dancing upang tuklasin kung bakit nagsisimula nang maging bukas ang konserbatibong pananaw ng mga Pinoy na unti-unting nahuhumaling sa sayaw na ito.
Alamin ang kuwento sa likod ng mga balita sa Patrol ng Pilipino, pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM Teleradyo (SKyCable Channel 26), 9:15 p.m.