Alden Richards gustong mag-ala Dennis Trillo

Matapos siyang mapanood sa isang kakaibang role sa The Road ni Yam Laranas, panay papuri na ang natatanggap ng kabataang aktor na si Alden Richards. Tumataba ang kanyang puso kapag sinasabihan siyang magaling at maituturing na the next important actor ng GMA 7. Pero maituturing niyang pinakamalaki at magandang reaksiyon sa ginawa niyang paggganap sa role ng isang killer na nagtataglay ng isang maganda at maamong mukha ang maikumpara sa isang Kapamilya actor, ang tawaging the next John Lloyd Cruz.

Walang magsasabing hindi magaling ang aktor na natuklasan sa isang reality search at wala siyang hirap magdrama o magpatawa. Wish ni Alden na masundan ang yapak ng artista ng kalabang network pero okay din sa kanya ang makatulad at maging kasing husay ng kapwa niya Kapusong si Dennis Trillo.

Mga nagbabantay sa senado grabe manigaw

Napasyal ako minsan sa Senado at nakita ko na parang may paligsahan ang mga opisina hindi sa pagpapagandahan ng kuwarto kundi sa mga pintuan. Kung ang mga bahay ay pinagaganda ang mga bintana at ang loob ng bahay, ang mga pintuan ng opisina ng mga senador ang pinagtutuunan ng pansin at talagang pinagaganda.

I’m sure mga staff ang nag-aayos nito at hindi mismo ang mga senador o ang pamilya nila. Bago ka pa pumasok ng mga opisina ay na-feel mo na ang Kapaskuhan sa pamamagitan ng mga decorated doors and entrances.

Kapansin-pansin lang ang dami ng mga nakakalat na lalaking naka-polo barong, mga aides yata sila na sa kaunting ingay ay nagagalit na. Bihira sa kanila ang ngumingiti kaya mai-intimidate ka na pumasok sa opisina ng mga senador. Pero walang tatalo dun sa mga na-assign sa baba na halos sigawan ang mga bumababa ng kanilang sasakyan para mapabilis ang pagkilos nila dahil baka may dumating pang iba. Magugulat ka na lang kapag sinigawan ka nila, tulad ng nangyari sa amin.

Hindi ba sila puwedeng maging courteous? Kailangan bang maging brusko sila? Madalas nakakalimutan nila na sa ka-OA-yan nilang magampanan ang kanilang mga trabaho ay nagiging bastos sila. Sino ba ang dapat managot sa kanila?

Imelda nakabalik na ng bansa

Nakabalik na si Imelda Papin from a successful concert in Australia with daughter Maffi. Hindi pa siya nakakahinga ng husto ay su­mabak na siya sa pagpo-pro­mote ng kanyang fund-raising con­cert na magaganap bukas, Miyerkulas, Dec. 14, sa Tanghalang Pasigueno, 7:30 p.m.

Ang palabas ay prodyus ng IAP Foundation, Bussworks Trading, Eminence Homecare Dialysis Center and 618 International Entertainment, Inc. sa pakikipagtulungan ng City Government of Pasig at ng Liga ng Barangay ng Pasig para sa kapakanan ng Bahay Aruga.

May mga nakatakdang pang shows si Imelda sa Mimosa Clark sa Dec. 16 at Protégé Finals Night sa 18th. Babalik siya ng US sa araw mismo ng Pasko para sa ilang palabas sa Las Vegas.

Ang mga tiket para sa Pasig fund-raising concert ay nagkakahalaga ng P200, P300, P500 na may kasamang album at P1,000 para sa mga VIP. Para sa tiket, maaaring tumawag sa 466-3982/0949-3172290 o sa Tanghalang Pasigueno, 628-0379/628-0778.

Show comments