Regine nanay na nanay nang bumirit!

Naka-ayos Boy Pick-up si Ogie Alcasid sa launching ng kanyang Boy Pick-Up T-shirts sa FrancisM Clothing Co., sa 4th floor ng SM Manila.

Sa first day pa lang, kita nang hit ang business ni Ogie at marami pang style ng T-shirt at kitang marami ang followers ng Boy Pick-up segment ng Bubble Gang. Kinuha nila ang rights sa GMA Network na magamit ang name na Boy Pick-Up at ibinigay naman.

Matutuwa pa ang fans ni Boy Pick-Up dahil tuloy na ang pelikula na co-pro­duced ng GMA Films at Regal Entertainment to be directed by Dominic Zapata.

Maglalabas din ng sound­track ang Boy Pick-Up movie. Kinanta ito nina Ogie at Michael V at may nine songs pa sa album na ire-record pa lang.

Billed Mr. & Mrs. A ang concert naman nina Ogie at Regine to be directed by Randy Santiago, balik-concert stage ito ni Regine, kaya ‘wag palampasin. “Kayang-kaya nang bumirit ni Regine, pero iba na ang birit niya ngayon, birit ng isang ina na ang maririnig sa kanya, I’m proud of my wife, hands-on siya sa pag-aalaga kay Baby Nate na one month old na,” sabi ni Ogie. 

Eddie Garcia walang arte sa billing

Walang nagiging problema ang producers na kumukuha kay Eddie Garcia dahil walang reklamo sa role na ibinibigay sa kanya at lalong walang reklamo sa billing. Ang katuwiran nito, ‘walang maliit o mala­king role at wala man sa billing ang name niya, ang importante napapanood siya sa pelikula at magugustuhan ng moviegoers ang trabaho niya.

May special role si Eddie sa Panday 2 bilang si Haring Daluyong na ama ni Alice Dixson at lolo ni Marian Rivera.

Young star patung-patong ang makeup

Sobrang kapal ng makeup ng isang young star na dumalo sa pelikulang kasama siya at sa sobrang kapal ng makeup, hindi na siya nakilala ng ibang press. Pahulaan sa press kung ilang layers ng foundation ang inilagay sa face niya at ang iba nga, tiningnan na lang siya at hindi na in-interview.

Sana, nakita ng youngstar ang mga kasama sa pelikula na nasa presscon din na minimal ang mga makeup at ang iba nga’y, lipstick lang at konting pulbos ang inilagay sa face.

Kapag nakita namin uli ang youngstar na makapal pa rin ang makeup, isusulat na namin ang name niya.

Show comments