Walang option na gumawa ng pelikula sa iba, Carla nagsinungaling!

MANILA, Philippines - Naku mukhang lalala pa ang isyu kay Carla Abel­la­na dahil sa kanyang manager na nalimutan ba o sinadyang hindi magpaalam kay Mother Lily nang tang­gapin ang pelikulang Manila Kingpin : The Asiong Salonga Story.

Ang dali lang namang gawin – sana kinausap niya na lang ang Regal matriach, wala sana silang problema.

Kahapon, nag-react na si Mother Lily sa apela ng bida sa pelikulang Manila Kingpin na si Gov. ER Ejercito. Heto ang statement ni Mother Lily tungkol sa kanyang alagang artista na may exclusive contract sa kanyang kumpanya.

“I have kept quiet on this issue because Carla Abellana is a Regal baby. I felt I have to protect her. But I am speaking now, because I have to explain and clear things up.

“Regal was the last to know that Carla’s manager, Arnold Vegafria, accepted the offer for her to do The Asiong Salonga Story. We were told about it only until after Carla was finished shooting her scenes.

“When I learned about it, I told Arnold, ‘nandiyan na ‘yan, we cannot do anything about it anymore. Ayusin mo ito.’

“Regal and Arnold agreed that Carla will not help promote The Asiong Salonga Story only because she also has a filmfest entry with Regal, Yesterday, Today, Tomorrow and there will be conflict of interest.

“Carla has an EXCLUSIVE contract with Regal. It is not true that her contract gives her or her manager an option to do movies outside of Regal.

“I have no anger, kahit si ER, anak-anakan ko ‘yan. ER and I talked last Friday and I explained to him Regal’s side. It’s just too sad that in situations such as this, Arnold doesn’t even lift a finger.

“Tinakpan ko lahat alang-alang kay Carla. It’s so hurting that we (Regal) were the last to know about her appearance in that movie. I don’t want to sue my stars, hindi naman maganda na isang pamilya kami, kami pa ang magdedemandahan.

“I would just want to cite Marian Rivera’s case. Marian, like Carla, is an EXCLUSIVE Regal contract star. Ipinahiram namin si Marian kay Sen. Bong Revilla for Panday 2 because grabe ang courtesy na binigay ni Sen. Bong sa Regal before they even shot the film.

“I just want to say, don’t blame me. I didn’t talk because I wanted to protect our star. Hindi ako galit, I just want to set the record straight.

“I pray that things go right from hereon. I just want to be fair to myself, to everybody and to showbiz people.

“The thing is respeto lang sa isa’t isa.”    

Mara mas idiniin ni Janelle

Ibang-iba na ang hitsura ni Janelle Manahan nang magpa-interview ito sa TV Patrol – kay Korina Sanchez – kesa sa mga dating photos niya sa Facebook at Twitter.

Malayung-malayo na ang korte ng mukha niya noon.

Kung sabagay, grabe ang nangyari sa kanya. Mabuti pa nga’t nakaligtas siya.

Pero mukhang madidiin talaga ang mga kapatid ng na­matay niyang boyfriend na si Ramgen Revilla. “Inantay ko po siya (Mara) kasi kaibigan ko rin naman po si Mara, hindi lang dahil boyfriend ko ‘yung kapatid niya. Kaibigan ko po siya talaga so iniisip ko na ise-save na rin talaga ako, kaso wala nga pong dumating. Kung talagang gusto niya kaming i-save, bakit hindi siya gumawa ng way para humingi ng tulong eh nandoon lang po naman ‘yung guwardiya? Sobrang lapit lang po talaga ng guard house. Gusto ko silang makausap kasi merong mga dumadating na parang ako pa ‘yung sinungaling, na ayaw ko ng ganun kasi ako na nga po ‘yung nabaril. Wala naman akong motive talaga para magsinungaling pa kasi ang hinahanap ko lang naman po dito is justice.”                                               

Show comments