PIK : Makakasama ni Sarah Lahbati sina Enzo Pineda at Derrick Monasterio sa Switzerland sa February 2012 at aabot ito ng Valentine’s day.
Magkakaroon doon ng Homecoming concert ang bida ng Kokak at excited siya dahil parehong malapit sa kanya ang makakasama niya sa araw ng mga puso.
Nakausap namin si Sarah sa launch ng PLDT Wi-Fi nung nakaraang Huwebes at parang kinikilig pa itong kinukuwento sa aming pursigido pa rin si Derrick sa panliligaw sa kanya at boto naman daw si Enzo kay Derrick.
PAK : Hindi pa kami masagot ni Tita Annabelle Rama kung totoong may balak itong idemanda si Nadia Montenegro dahil sa tangka nitong pagpapahuli sa kanya pagkatapos nitong magwala sa piskal nang magtagpo sila sa clarificatory hearing.
Maraming pulis ang pumunta sa kanyang tanggapan sa Imperial Palace sa Tomas Morato pero wala siya roon at hinanapan sila ng warrant of arrest kung gusto nga itong hulihin, pero wala naman silang nai-produce na warrant.
“Na-harass talaga ako dun dong! Pero hindi kita masagot kung magdedemanda ako. Basta ibinigay ko na lang sa lawyer ko ang reklamo. Wala pa silang sinasabi sa akin,” pahayag ni Tita Annabelle.
BOOM : May sagot na naman si Mo Twister kaugnay sa mga pahayag ni Rhian Ramos sa interview ni Pia Guanio sa 24 Oras kamakailan.
Itinatanggi nitong hina-harass niya si Rhian at detalyado ang pagkuwento niya kung bakit sinasabi niyang hindi niya ito hina-harass.
Iyun na raw ang huli niyang pagsasalita tungkol sa isyung iyun at sana nga panindigan ito ni Mo dahil hindi na maganda ang kahihinatnan at marami na rin ang nagdududa sa mga pinagsasabi niya.
Sabi nga ng ilang nakakaintindi sa mga pangyayari, huwag magsulat ng kung anu-ano kapag galit ka o sobrang emosyonal dahil madalas ay mali.
“Pag galit ka, pag emotionaly in a roller coaster ka, huwag ka nang magsalita muna.
“Heal your wounds kasi ang sasabihin mo habang ikaw ay nagdudurugo ay iba dun sa sasabihin mo kapag ikaw ay nag-iisip,” pahayag ng isang feministang si Atty. Ipat Luna.