Sa gitna nang pagiging abala ni Vic Sotto sa pagpo-promote ng pelikula nila ni AiAi Delas Alas na Enteng Ng Ina Mo ay may mga naglabasang balita na diumano ay si Pauleen Luna na raw ang bagong karelasyon ng aktor ngayon.
Magkasama sina Vic at Pauleen sa Eat Bulaga at kasama rin ang dalaga sa pelikula kaya nali-link sila sa isa’t isa. Ano kaya ang tunay na namamagitan kina Vic at Pauleen?
Mayroon na nga kayang bagong magpapainit sa Pasko ni Bossing? “Maraming nagpapainit. Tuwing Pasko natatanong din ako niyan. Magsindi ka ng posporo,” pabirong sagot ni Vic.
Totoo kayang makulay na ang love life ng aktor ngayon dahil kay Pauleen na sinasabing bago raw niyang inspirasyon? “Parating makulay ang aking buhay. Parati akong may inspirasyon, marami akong inspirasyon. Marami akong love life.
“Pauleen Luna has a very important cameo role in this film. That’s all there is to it. In tagalog, hanggang doon na lang ang masasabi ko. Si Pauleen Luna has a very important cameo role sa pelikulang ito and in fairness kay Pauleen, maganda ang ganap niya rito, ” makahulugang sagot ni Bossing.
Toni ayaw makasama si Alex sa TV network
Noong December 8 ay muling pumirma ng three-year contract si Toni Gonzaga sa Kapamilya network. Kasamang pumirma ni Toni ang kanyang mga magulang at present sa nasabing contract signing ang ABS-CBN President and CEO na si Ms. Charo Santos-Concio. “I just signed a three-year contract so it’s confirmed. I’ll be a Kapamilya for three solid years. For ASAP, The Buzz, Pinoy Big Brother and ‘yung HYY (Happy Yipee Yehey!),” bungad ni Toni.
Masayang-masaya ang dalaga dahil natupad daw lahat ng kanyang mga pangarap mula nang lumipat siya sa ABS-CBN noong 2004. “Ever since I made a decision to be a Kapamilya, I’ve always felt in my heart that this is where I really feel at home and ever since I became an ABS-CBN artist, ‘yung mga pangarap ko natupad. I was able to sing, to host, to act in movies and shows. So far talagang lahat ng mga pinangarap ko ay natupad naman ng ABS-CBN,” pagtatapat ni Toni.
Medyo natagalan daw ngayong taon bago siya nakapag-renew ng kanyang kontrata kaya nagkaroon ng mga bulung-bulungan na lilipat na raw ang singer-actress sa ibang TV network. “Kasi ang tagal na, April pa ito, ‘yung discussion. Hindi pinapaalam sa akin ng mommy ko ‘yung mga pangyayaring ito. Basta ang alam ko dapat April eh, hanggang sa finally naging December. So now, it’s final, natuloy na siya,” paliwanag pa ng dalaga.
Mas okay daw para kay Toni na hindi sila magkasama ng kanyang kapatid na si Alex Gonzaga sa iisang TV network. “Nandun na ‘yung kapatid ko. Bahala na siya roon, bahala na ako rito, at least magkaiba kami ng mundo,” giit pa ni Toni.
–Reports from JAMES C. CANTOS