Marami ang pumuri sa pagkakabanat ni Lovi Poe ng kantang What I Did For Love na theme song ng Yesterday, Today, Tomorrow. Ito ang malaking bentahe ng anak ni Da King (Fernando Poe, Jr.), bukod sa magaling itong artista, may iba pa itong talent na nagagamit sa mga ginagawa niyang pelikula at palabas sa TV. Hindi rin siya maarte, puwede siya sa mga sexy scenes.
This prompted German Moreno na imbitahin siya sa Walang Tulugan with Master Showman para kantahin ang nasabing song. Ine-extend din nito ang imbitasyon sa producer ng pelikula para ipadala ang mga artista niya sa kanyang programa para i-promote ang kanilang pelikula.
Ito ang maganda sa magaling na TV host-star builder, tuwing panahon ng Metro Manila Film Festival (MMFF), binubuksan nito ang kanyang programa sa lahat ng MMFF entry para makatulong sa promosyon ng lahat ng pelikula.
Si Mother Lily lamang ang nakakagawang pagsama-samahin sa iisang pelikula ang mga artista ng magkakalabang ABS-CBN, GMA 7, at TV5. Nakita ko sa presscon ang isang bossing ng Kapatid Network, si Penci Intalan, at inakala ko na lamang na sinamahan niya ang Kapatid artist na si Eula Caballero na may mahalagang role sa pelikula.
Pinakabagong artista sa Yesterday, Today, Tomorrow si Eula. Inamin nito na hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman sa pagkakasali niya sa pelikula pero sinabi niyang excited siya tuwing may shooting siya.
“Marami akong natutunan kay Ms. Maricel (Soriano). Sobrang mapagbigay siya sa mga eksena namin. Siya ang nag-create ng bond sa pagitan namin. May mga sagutan kami na dapat abangan. Ang galing niya! May eksena kami na comatose ako. Nakapikit ako kaya hindi ko siya nakikita pero naririnig ko ang mga sinasabi niya. Kahit nakapikit, naiiyak na ako pero pinigil ko ang maiyak dahil lalabas ang luha sa mga mata ko,” sabi ng bagong artista.
Angel nag-effort para kina Robin at Vhong
Nag-e-effort si Angel Locsin para makasabay sa mga kasamahan niyang artista sa Toda Max, isang bagong sitcom ng Dos starring Robin Padilla and Vhong Navarro. Inamin niyang hindi siya comfortable sa comedy, hindi ito ang comfort zone niya pero she’s working hard at handang subukan ang lahat ng genre at role para maging versatile at maging kapani-paniwala sa comedy.
Mukha namang inspired ang magandang actress dahil maganda ang kanyang love life. Very open ang Philippine Azkals player na si Phil Younghusband sa “relasyon” nito sa kanya pero hindi niya magawang linawin ang nasabing relasyon nila ngayon. Kailangan nila ng panahon para makatiyak sa kanilang mga damdamin. Ang tanging maaamin niya ngayon ay masaya siya at kapag libre siya, palagi niyang pinanonood ang laban nito.
Sarah, Alden, Kathryn, Julia, at Sam bibigyan ng achievement awards
Nakapili na naman si German Moreno ng mga bagets stars na gagawaran niya ng Achievement Awards sa Famas Awards Night na magaganap bukas, Dec. 10, sa NCCA Auditorium sa Intramuros. Ito ay sina Sarah Lahbati na ganap nang bida sa isang serye ng GMA 7, ang Kokak, Alden Richards na umagaw ng pansin sa mga kapwa niya Kapuso artist sa The Road ni Yam Laramas at ang mga Kapamilya stars sina Kathryn Bernardo, Julia Montes, at Sam Concepcion, stars ng bagets series na Growing Up.
Sinabi ng Master Showman na nahirapan siyang pumili ng mga outstanding young actors.