^

PSN Showbiz

Bong at Jolo sa Amerika na magpapa-check up ng migraine

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Tama lang ang plano ng mag-amang Sen. Bong at Jolo Revilla na pumunta ng Amerika para ikonsulta ang migraine nila. Namamana pala ang sakit na ito na hindi ang nakatatandang patriarka ng pamilya ang unang nagkaroon kundi ang asawa nito at ina ng kanyang mga anak.

Si Jolo ay namana rin ito. Naging dahilan nga ito para maospital ang batang Revilla na nakaapekto sa kanyang trabaho at tumakot ng husto sa kanyang pamilya.

Early next year, magpapakonsulta ang mag-ama. Buti naman!

Charice gusto ng kakaibang pasko

Dito pala mag-e-early Christmas si Charice. Aba, magandang balita ito sa mga kababayan niya na nami-miss siya. Bago mag-Pasko ay babalik na siya ng US. Kahit hindi man siya mag-perform, okay na sa kanila ang makapiling siya.

Magandang pasya ito ng international star. Saan man siya mapunta, ibang magdiwang ng Pasko ang mga Pilipino. Talagang pinahahaba natin ang selebrasyon at ginagawang espesyal. Sa ibang bansa, parang isang simpleng panahon lamang ang Kapaskuhan. Idinadaan na lang sa mga dekorasyon pero ‘yung spirit hindi gaanong napi-feel.  Eh tayo, OA kapag dumarating ang Kapaskuhan.  

Mo may ilang kakampi

Sa kabila ng pagkondena natin sa ginawa ni Mo Twister kay Rhian Ramos at sa kabila ng mga demanda sa kanya ng ex, ng pamilya at network na pinagtatrabahuhan nito, may ilang kaibigan ang napaka-kontrobersiyal na radio and TV host na may sinasabing maganda tungkol sa kanya.

vuukle comment

AMERIKA

BUTI

CHARICE

DITO

JOLO REVILLA

KAPASKUHAN

MO TWISTER

PASKO

RHIAN RAMOS

SI JOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with