^

PSN Showbiz

Puso ni Sarah hindi pa rin uli tumitibok

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Kamakailan ay napabalitang nagbabalak nang lumipat sa ibang TV station si Sarah Geronimo. May bulung-bulungan kasi na hindi masyadong napapahalagahan ng Kapamilya Network ang Pop Princess katulad ng pagpapahalagang ginagawa kay Angeline Quinto ngayon. Agad namang tinuldukan ni Sarah ang mga intrigang ito dahil katatapos lamang niyang pumirma ng panibagong kontrata sa ABS-CBN.

Malaki ang pasasalamat ni Sarah sa dahil sa patuloy na pagbibigay ng tiwala sa kanya.

“I am very happy kasi gusto pa rin nila ako mag-stay sa Kapamilya Network at masarap sa pakiramdam ’yun. Sabi ko nga, hangga’t gusto nila ako dito, nandito ako,” pahayag ni Sarah.

Ngayon pa lamang ay excited na ang dalaga para sa bagong pelikula na kanyang gagawin sa 2012 kung saan ay muling makakasama ni Sarah si John Lloyd Cruz.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring bagong nagpapatibok sa puso ni Sarah.

“Puwede bang ’yung magiging next boyfriend ko, siya na ’yung magiging asawa ko? Sobrang ang hirap masaktan ’di ba? Kapag heartbroken ka, ang hirap. Sabi ko, sana hindi ako dumaan doon sa papalit-palit na relationship,” giit ni Sarah.

Hanggang ngayon ay palabas pa rin sa mga sinehan ang pelikula nila ni Gerald Anderson na Won’t Last a Day Without You.

Iya ayaw pang MAG-asawa

Tinawanan lamang ni Iya Villania ang balitang nagpa-secret marriage na sila ng kanyang boyfriend na si Drew Arellano. Matagal-tagal na rin kasing magkasintahan ang dalawa kaya may mga nag-aakalang nagpakasal na ang dalawa.

“Wala pa, ito ’yung sinasabi ko, natatawa nga ako kasi nakara­ting na rin sa akin ang tsismis. ’Yung iba nga kino-congratulate na ako, parang engaged na ako. Saan nanggaling ’yan?” natatawang pahayag ni Iya. 

“Ang sabi ko, seven years na kami together and we have no plans of heading down that direction, of breaking up, so ano pa bang direksiyon namin? Siyempre sa future and that would be nice but we’re not there yet.”

Ayon pa kay Iya ay isang symbolic status lamang ang kasal para sa dalawang taong nagmamahalan kaya hindi sila nagmamadali ni Drew.

“It’s there but there’s no deadline. It won’t make us love each other any less if we get married now. It’s a title, it’s a formality pero we’re not in a rush. Masaya kami, happier than ever,” diin pa ni Iya. Gusto pala ng TV host-video jockey-singer ng isang garden wedding balang araw.

— Reports from JAMES C. CANTOS

AKO

ANGELINE QUINTO

DAY WITHOUT YOU

DREW ARELLANO

GERALD ANDERSON

IYA

IYA VILLANIA

JOHN LLOYD CRUZ

KAPAMILYA NETWORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with