MANILA, Philippines - Abangan ang pinakamasaya, pinakamalaki at pinaka-inaabangang pagbisita ng TV5 sa San Fernando, Pampanga ngayong Sabado, Disyembre 10. Susugod ang halos limampung Kapatid stars sa Bren Z. Guiao Convention Center para makisaya sa pagdiriwang ng ika-440 Aldo Ning Kapampangan (Araw ng Kapampangan).
Isang all-in-one entertainment show ang inihanda ng Kapatid network na paniguradong kasasabikan ng mga manonood. Makikisaya ngayong Sabado ang grandslam best actress na si Lorna Tolentino at veteran comedian na si Joey De Leon kasama si Nadine Samonte at ang mga prinsesa ng TV5 na sina Alex Gonzaga, Jasmine Curtis, Danita Paner, Ritz Azul at Arci Muñoz. Susugod din sina Wendell Ramos, Fred Lo, Wendy Valdez, Congrats, Luningning, Milagring, Shalala, Pretty Trizsha, Tuesday Vargas at ang Saberkada ng Hey It’s Saberday na sina Meg Imperial, Martin Escudero at Diane Medina. Bibirit sa pag-awit sina Faith Cuneta, Gerald Santos, Morisette Amon, Krissha Viaje at Claire Ruiz. Magpapakitang gilas din ang mga Talentadong Pinoy grand winners na sina Yoyo Tricker at Joseph the Artist, kasama ang mga grand finalists na sina Makata Tawanan at Beatbox Gor.
Famas May Hall of Fame Reunion
Ang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) na pinamumunuan ni Chit Sambile ay magkakaroon ng isang pagtitipon sa ika-9 ng Disyembre, 2011, (Biyernes), sa Mowelfund, lungsod ng Quezon. Tampok sa okasyon ang induction ng mga bagong miyembro na nagpahayag ng katapatan at dedikasyon para suportahan ang tanging lehitimong FAMAS na kinikilala sa industriya. Imbitado bilang inducting officers sina dating Pangulong Joseph Estrada, FAMAS Hall of Fame Awardee for Best Actor, at Batangas Governor Vilma Santos-Recto, FAMAS Hall of Fame Awardee for Best Actress.
Ang nasabing pagtitipon ay magsisilbing isang pre-activity na rin para sa 2012 post Valentine First FAMAS Hall of Fame Reunion.