MANILA, Philippines - Nanguna ang Tambayan 101.9, ang FM station ng ABS-CBN, sa buong Mega Manila sa pang-hapon na time block (12:00 nn to 6:00 pm) matapos itong makakuha ng 23.9% audience share noong Oktubre, ayon sa datos ng Nielsen Radio Audience Measurement (Nielsen-RAM).
Kahit sa mga probinsiya sa labas ng Metro Manila ay patok na patok din ang Tambayan 101.9. Batay sa Nielsen-RAM data para sa Rest of Metro Manila o ROME, nanguna pa rin ang Tambayan 101.9 na nakakuha ng 25.9% audience share sa pang-hapon na time block.
Sa kabuuang araw, naitala sa 22.10% ang total day audience share ng Tambayan 101.9, na ngayo’y isa sa mga nangungunang FM radio station sa Mega Manila para sa nasabing buwan.
Kabilang sa mga pinaka-tinututukang programa ng Istasyon ay ang Dear Jasmin (11:00 a.m.-1:00 p.m.), kung saan tampok ang drama na umiikot sa kuwentong pag-ibig ng mga letter senders na dumudulog ng kanilang mga problema kay DJ Jasmin. Bida rin ang Usapang Tambayan ni DJ Charlie (1:00-3:00 p.m.) na nagbibigay ng pagkakataon sa isang “hotseat-er” na magkaroon ng mga bagong kaibigan. Sa programa naman nina Raki at Carlo Santino (3:00-6:00 p.m.), ang kuwentuhan tungkol sa araw-araw na buhay ng mga Pinoy ang patok sa mga listeners.
Pero hindi lang sa ratings panalo ang Tambayan 101.9 dahil kamakailan lang ay humakot din ito ng mga parangal.
Ang Dear Jasmin ay kinilala ng Catholic Mass Media Awards (CMMA) Best Drama Program on Radio, kung saan tinalo nito ang iba’t ibang programa hindi lang sa kapwa-FM radio stations kundi maging sa AM radio stations.
Ang programa naman ni DJ Arnold Rei na Tambayan Top 10 ay pinarangalan bilang Best Variety Program habang si DJ Martin D naman ay ginawaran ng Best Disk Jockey award sa KBP Golden Dove Awards.
Tumutok sa Tambayan 101.9 San Ka Pa!, ang numero unong radio station ng Mega Manila mula Lunes hanggang Linggo tuwing hapon. Maaari ding makinig at manood sa pamamagitan ng website na www.tambayan1019.com.