Puring-puri ni Phillip Salvador ang kaibigang si Sen. Ramon Bong Revilla, Jr.
“Sobrang perfectionist niya. Mas magaling si Bong dito kaysa ibang pelikula niya. Ibang klaseng magtrabaho ngayon. Sinasabihan ko nga siyang mag-relax dahil baka sumpungin ng migraine.”
Ayon naman kay Bong sa ganda ng pagkakagawa ngayon ng Panday 2 ay puwede itong ipagmalaki dahil parang imported ang dating ng pelikula. Napakaprogresibo na ngayon ng pelikulang Tagalog. Kaya naniniwala siya na hihigitan nito ang kita ng Panday 1.
Samantala, saludo naman si Sen. Bong sa kabaitan ni Marian Rivera na love interest nito sa pelikula.
“Wala akong reklamo sa kanya at bukod sa napakabait ay napaka-professional pa. Magaan siyang katrabaho,” sey ni Bong.
Ang Panday 2 ay official entry ng GMA Films at Imus Productions sa 17th Metro Manila Film Festival na ipalalabas simula Disyembre 25 sa mga sinehan nationwide sa direksiyon ni Mac Alejandre.
Gabby naiyak sa award
Maraming touched sa acceptance speech ni Gabby Eigenmann nang manalo itong Best Supporting Actor in Drama Series para sa Munting Heredera sa nakaraang Golden Screen TV Awards ng ENPRESS.
“Labinlimang taon kong hinintay na magka-award. Sa Eigenmann ako lang ang wala pang award. Si Daddy multi-awarded actor. Kahit ang aking kapatid na si Sid Lucero ay nagka-award na rin. Kaya ngayon puwede ko nang sabihing isa akong Eigenmann,” aniya.
Naiyak ang aktor nang tawagin ang pangalan at halos hindi makatayo dahil sa kabiglaan.