Aktres may posibilidad na magpakamatay

MANILA, Philippines - May tendency daw na magpakamatay ang isang actress kaya hindi basta-basta iniiwan ng kanyang mga kapamilya at kaibigan. Baka raw kasi hindi kayanin ng actress ang mga nangyayaring intriga sa kanya kaya bantay-sarado ito sa kasalukuyan.

Bata pa kasi ang actress at ayon sa malapit dito, matagal nagdusa ang actress sa naging karelasyon nito dahil lagi pala raw itong tinatakot noon pa ng ex. Blinded by love kasi raw ang batang aktres na ito noon. At lagi pa raw panakot ng ex, ‘I will destroy you.’ So sa takot daw ng GF, bukod sa na-in love talaga raw naging sunod-sunuran ito. Pero dumating daw sa point na nagsawa na ang girl at doon na-realize ang pang-aapi ng boyfriend na expert na sa pangba-blackmail.

Nagsisisi raw ang actress sa mga katigasan ng ulo niya noon dahil hindi ito nakinig sa mga payo ng mga nagmamalasakit sa kanya pero wala na raw itong magawa.

At ang ikinatatakot nga ng mga nakapaligid sa kanya ay baka malusutan sila at magpakamatay na lang.

Hindi nga naman biro ito. Dapat nang tigilan ang kuwento sa kanila.

Walang ebidensiya, baka imbento lang?

Ang malas ni Rhian Ramos. Puwede naman siyang magka-boyfriend ng hindi matabil pero si Mo Twister pa ang kanyang natapatan na pinalalabas pang dinoktor nang nakabili ng computer niya ang video journal niya na nagkalat sa Internet tungkol sa diumano’y abortion ng ex.

Bakit hindi manahin ni Mo ang ginawa noon ng isang aktor na alak ang pinagdiskitahan nang magpalaglag ang girlfriend niyang actress-TV host na ngayon ay may pamilya na rin kung totoo ngang ginawa ‘yun ni Rhian (walang ebidensiya si Mo na ipinakikita sa video na inilabas niya except sa pregnancy test kit na puwede namang ginawa lang niya). Halos mabaliw-baliw daw noon ang nasabing aktor na may sariling pamilya na rin ngayon sa pagkawala ng anak sana nila ng aktres. Pero may narinig ba sa aktor noon o hanggang ngayon? Wala. Sa Diyos daw nanghingi ng tawad ang aktor at hindi niya ipinagkalat sa buong mundo ang nangyari. 

Obvious na scripted ang ginagawa ngayon ng TV and radio host. Alam niya ang right timing sa parang ‘demolition job’ sa ex.

 Teka bakit ba parang ang sikat ni Mo? 

Mga tsismis sa PSN nasa IPAD at cell phones

Puwedeng-puwede nang i-download sa iPad at mga cellphones ang Pilipino Star NGAYON.

I-download lang ang Press Reader application at ‘yun na. Makikita na ninyo ang PSN. Siyempre may subscription charge pero cheap lang, pramis.

Wala pang sariling application ang Star Group of Publications - Philippine Star, PSN, Pang Masa, Freeman, and Banat, pero next year, humanda na sa bonggang apps ng a­ming mga diyaryo.

At least madali na ninyong mababasa ang mga showbiz updates lalo na ngayong ang daming mga nakakalokang mga balita.

Show comments