MANILA, Philippines - Ang daming kaeklayan ni Mo Twister.
Noong last week pa siya nagpi-press release na lalayas na siya ng Pilipinas, pero hanggang kahapon nandito pa rin siya. Para tuloy lumalabas na nagpapapigil lang siya. Ang daming eklat na kesyo hindi pa tapos ang mga inaasikaso niya kaya na-extend pa.
At meron pang balita na nag-drama-drama pa siya sa show nilang Juicy dahil sa sobrang galit sa last episode nito kagabi.
Naku kung gusto talaga niyang lumayas ng bansa, dapat hindi na siya nag-drama.
Kung nasaktan siya ni Rhian Ramos, kasalanan niya. Naisahan siya. Meaning mas matalino sa kanya si Rhian.
Emotional blackmail ang ginagawa niya kay Rhian ngayon. Kasi walang epekto sa alaga ng GMA Artist Center ang mga ‘gimik’ niya.
Ang latest, balitang uploaded na sa YouTube ang mga ‘drama’ niya about Rhian na galing mismo sa ibinenta niyang laptop.
Hawak ni Mo sa nasabing video ang result ng pregnancy test kit. May dalawang guhit na ibig sabihin ay positive.
Umiiyak si Mo pero mahina ang boses at hindi halos maintindihan ang mga sinasabi. Pero merong transcription.
In a nutshell, sinasabi niya sa kumalat na video na ipinatanggal ni Rhian ang baby nila dahil sa pareho nilang trabaho.
Kahapon ay decided na ang mother network ni Rhian na idemanda si Mo para tigilan na ang mga ‘gimik’ nito.
Pangalan ni Lovi sa Walk of Fame, mali!
Balitang may typo error ang pangalan ni Lovi Poe sa Walk of Fame na installed na since December 1. Instead na Lovi, Lovie daw ang nakalagay na pangalan ng sexy actress.
Walang nag-proofread bago ilagay?
Susme sayang ang gastos. Dapat ipabago at ipa-korek ang pangalan.
David Beckham pinag-iilusyunan ng mga pinay
Ang hot ni David Beckham. Kaya tuloy nagkakagulo ang lahat ng babae sa pagdating niya sa bansa.
Ngayong araw mapapanood sa Rizal Memorial Stadium ang salpukan ng Los Angeles Galaxy at Azkals na mapapanood sa Studio 23.
At handa na raw magpasiklab ang Philippine Azkals national football team laban sa higanteng Los Angeles Galaxy sa pangunguna nga ng footballers na sina David at Landon Donovan ng LA Galaxy sa The Dream Cup na gaganapin.
Mapapanood ng live mula sa Rizal Memorial Stadium ang kanilang banggaan sa Studio 23 at Balls HD (Sky Cable Ch. 167), 6:30 p.m. Panoorin naman ang replay nito sa Studio 23 sa parehong araw sa ganap na 6:00 p.m.; sa Linggo (Dec. 4), 10:15 a.m. sa ABS-CBN; sa Lunes (Dec. 5), 9:00 a.m. sa Balls; at sa susunod na Linggo (Dec. 11) sa Studio 23, 11:00 a.m.