John Lloyd ayaw ma-stress sa pamimigay ng regalo

MANILA, Philippines - Naaliw at na-excite ang mga fans ni John Lloyd Cruz na fans din ng Greenwich pizza chain sa ginanap na media event na tinatawag na Better than Ever Greenwich Christmas nang i-launch ang The Greenwich Overloaded Pizza Blowout  isang pizza sampling na isang holiday treat sa buong bansa.

“Siyempre we all want to have the best holiday season ever and one way to do it is to give our loved ones the best Christmas we can think of,” sabi ni John Lloyd.

“Pero stressful ang mahabang listahan ng mga regalo kaya para sa akin the best na ang mga gift certificates ng aking paboritong pizza.”

Sa ginanap na launching, nagpakitang gilas din ang aktor sa paggawa ng pizza kasama ang R&D (research and development) head na si Suzanne Cruz.

Dahil sa maagang Christmas treat, ang The Greenwich Overloaded Pizza Blowout ay nakapagbigay ng pagkakataon na matikman ng mga tao kung bakit better than ever ang Greenwich. At ito ang leading pizza chain para sa bonding ng buong barkada.

10th Flawless Day papalapit na

Mabilis na papalapit ang 10th National Flawless Day.

Sa nagdaang walong linggo, ipinagdiwang ng kumpanya ang mga offering nito na may magagandang diskuwento sa ilang produkto at serbisyo ng Flawless.

Sa ikasiyam na linggo nito, sunggaban na ang 40% off sa Nano Powerpeel, lahat ng Nutraceuticals at Mesoestetic Peels.

Ang Powerpeel ay gumagamit ng aluminum oxide crystals para magpakinis ng balat. Meron na ring anti-aging effect ang Powerpeel lalo’t hinihikayat ang produksyon ng collagen at elastin. Lumalabas sa unang panggagamot ang pink skin. Sa pangatlong panggagamot, nababawasan ang acne scars, age spots, at fine lines. Mas malambot at makinis at batang tingnan ang balat.

May apat na klase ang Mesoestetic Peels - ang glycolic acid para sa anti-aging, mandelic peel sa pagpapaputi, salicyclic acid laban sa acne at anti-oil, at lactic acid peel para sa sensitibong balat.

Lahat ng peels ay mahusay na panlaban sa hyperpigmentation at wrinkles. Nagigising ang collagen at namamasa-masa ang balat

Bukod dito, merong diskuwento sa lahat ng Nutraceuticals, mula sa L-Carnitine na mahusay para sa mga aktino at atleta; sa ReTune na ang natural na sangkap ay lumalaban sa epekto ng paninigarilyo, pag-inom at stressful lifestyle; sa Nano Whiteness na nagtataglay ng Glutahione para magpaputi sa balat at magbigay ng anti-oxidant effect; hanggang sa skin lift na nagpapalit ng collagen sa katawan at nagbibigay ng anti-aging cure.

Samantala, ang mga pasyente ay maaari rin sa Pick A Prize para sa bawat Php1,500 halaga ng nabiling produkto. Ang masuwerteng pasyente ay maaaring makapag-uwi ng t-shirt, gift certificates, o isang epektibong facial soap ng Flawless.

Ang mas mapalad na pasyente ay maaaring manalo ng grandprize na isa sa promo service ng Flawless na libreng libre.

Para sa iba pang impormasyon, tumawag sa Telephone numbers 6879118 o 5846807. Like us sa Facebook (Flawless Face and Body) at sundan kami sa Twitter (MyFlawless)!

Giovani Segura handa na kay Viloria

Matapos mapanalunan ang WBA flyweight title mula kay Julio Cesar Miranda kamakailan, si Brian Viloria (29-3-0, 16 KOs) ay maari sanang pumili ng magaang-gaang kalaban para sa kanyang unang title defense. Napanalunan niya ang title via isang mahirap na unanimous decision victory laban sa isang former champion.

Subali’t alam ni Viloria na mabilis siyang tumatanda kaya’t pinili niya ang isa sa pinakadelikadong fighther sa boxing lighter weight classes.

Iyan ay si Giovani Segura (28-1-1, 24 KOs) na naghari sa light flyweight division sa loob ng dalawang taon hanggang sa kasalukuyan. Ang boxing world ay excited na sana para sa labang Segura versus Roman Gonzales pero pinili ni Segura na umakyat sa flyweight division.

Ang boksingero mula sa Ciudad Altamirano, Guerrero, Mexico ay nagsimulang mag-boxing sa edad na 15 years old. Nakatipon siya ng kahanga-hangang record na 38 panalo at 4 na panalo sa kanyang amateur career bago siya nag-pro. Napakagaganda ng umpisa ni Segura dahil nagkaroon siya ng 20 fights na undefeated. Dito sa bahaging ito ng kanyang career, ang pinakamalaki niyang mga biktima ay sina former world champions Daniel Reyes at Carlos Tamara, ang tumalo kay Viloria noong nakalipas na toan.

Natalo si Segura sa kauna-unahang pagka­ka­taon sa kanyang career laban kay Cesar Can­chila via unanimous decision nguni’t pansamantala lang iyon dahil rumesbak siya ng isang knockout sa fourth round ng kanilang rematch at sunud-sunod niyang naipanalo ang kanyang su­nud-sunod na eight fights, lahat via stoppage. Sa kanyang current winning streak, hawak ni Segura ang 2 victories laban kay Ivan Calderon ng Puerto Rico at mga Filipinos na sina Sonny Boy Jaro at Juanito Rubillar.

Pagdating ng fight day, si Segura ang challenging para sa world flyweight title pero definitely hindi siya underdog.

Ang Viloria versus Segura ay gaganapin sa Ynares Sports Arena sa December 11, Linggo ganap na 9:00 AM.

Ang Island Assault 3: Champion VS Champion tickets ay available sa pamama­gitan ng Ticket Net (SM outlets) at Ticketworld - VIP: Php. 250, Bleachers: Php 150.

Show comments