Iza nalulungkot, gustong maka-trabaho sina Piolo, Jericho at John Lloyd

MANILA, Philippines - Nalulungkot si Iza Calzado dahil hindi niya puwedeng makatrabaho ang mga aktor na gaya nina Piolo Pascual, Jericho Rosales, at John Lloyd Cruz. Halos lahat kasi ng artistang lalaki sa GMA 7 ay nakatrabaho na niya sa sampung taon niya sa network. Pero hindi ibig sabihin ay lalayas na siya sa Channel 7.

“Hindi naman. Ang sabi ko, it’s sad lang. You cannot work with everybody,” rason ni Iza.

 Ang intriga nga kay Iza ngayong nasa cast din ng Panday 2 si Marian Rivera ay nasapawan siya.

“Hindi naman sa ilusyon na nung binasa ko ang script, mas marami akong eksena sa kanya. Hindi naman ako…, nakakaintindi naman ako ng script.

“Nung nabasa ang script, I already know na this is the movie na wherein the focal point is my love story with Bong. Last Panday ’yon. This time, may Marian. ’Di ba na-establish ang kanilang pag-iibigan? Maganda ’yung magiging ending ng film,” kuwento ng aktres.

Wala na siyang questions sa sarili niya dahil sa role niya?

“What kind of questions will I ask myself?” balik-tanong niya.

Sa ngayon, hindi na banaag ang lungkot ni Iza sa pagkamatay ng amang si Lito Calzado.

“Siyempre, naaalala mo minsan. Nung Star Awards, picture pala ng daddy ko ang pinapakita, buti na lang hindi ko nakita kundi buhos na naman ang luha ko.

“Siyempre pagdating sa showbiz events, doon mo mapi-feel dahil mas madalas si daddy doon. Hindi naman kami magkasama sa isang house. Hindi siya ’yung pagtingin mo sa house, maaalala mo siya,” kuwento ni Iza na ulila na sa ama’t ina.

Bong hindi nahirapan nang ‘ligawan’ si lorna

Ang maging masaya ang gustong mangyari ni Sen. Bong Revilla, Jr. nang matanong tungkol sa problemang kinasasangkutan ng mga half-siblings.

“We have to move on. Kailangang ang outlook natin sa buhay ay maging positive para positive rin ang result. Tama na ’yung pinagdaanan natin sa buhay,” pahayag ni Sen. Bong sa presscon ng filmfest entry niyang Panday 2.

Nabuking din sa presscon na nung 15 years old pa lang siya, crush na niya si Lorna Tolentino. Pero naging best friend din niya ang aktres nang mapangasawa ang kaibigang si Rudy Fernandez. No wonder, napapayag niya ang magaling na aktres na lumabas na bruha na, kontrabida pa sa sequel ng Panday!

“Niligawan ko siya talaga. Sabi ko sa kanya, ‘Mare, baka puwede kang mag-guest dito sa Panday.’ Ibang LT ang maipapakita natin dito,” sabi ng actor-politician.

Ang Panday 2 ang pinakamalaki niyang ginawa na January pa lang ng taon ay pinag-usapan na nila nina Direk Carlo J. Caparas at Direk Mac Alejandre at hindi lang ang part two kung hindi pati na rin ang part three!

Show comments