Mga magulang ng aktor ayaw sanang magbayad ng daan-daang libong utang ng anak

Ibang klase ang mga magulang ng aktor dahil ayaw nilang bayaran ang malaking pagkakautang ng kanilang anak.

Makuwenta sa datung ang mga magulang ng aktor. Kuwentado nila ang pera na kinikita ng anak pero hindi sila marunong magbayad ng kanilang mga financial obligations.

Umabot sa daan-daang libo ang pagkakautang ng aktor na ayaw bayaran ng kanyang mga magulang.

Kung hindi pa sila tinakot na masisira ang pangalan ng kanilang anak, hindi nila babayaran ang utang.

Mabigat sa loob ng mga magulang ng aktor na maglabas ng malaking halaga ng pera pero wala silang nagawa.

Sila rin naman ang may kasalanan dahil pinabayaan nila ang financial obligations ng pobreng aktor na bread winner ng pamilya.

Joey De Leon maganda ang role sa box office movie nina Sarah at Gerald

Maganda at mahaba ang role ni Joey de Leon sa Won’t Last a Day Without You na pinanood ko sa Greenhills Promenade Theater noong Miyerkules.

Naloka lang ako sa pagpunta sa Greenhills dahil over acting ang trapik. Holiday kasi at payday pa kaya lahat na yata ng tao, nag-shopping sa Greenhills Tiangge.

Nabalitaan ko rin ang matinding trapik sa Divisoria noong Miyerkules.

Iniiwasan ko na dumayo sa mga lugar na matrapik kapag Christmas season dahil alam ko na dusa ang trapik pero matindi ang temptation na panoorin ko ang pelikula ni Sarah Geronimo, kese­hodang nagsosolo ako.

Hindi ako nagtaka nang tanggapin ni Joey de Leon ang role bilang tatay ni Sarah Geronimo sa Won’t Last a Day Without You dahil maganda at mahaba ang kanyang exposure.

Very Pepe Smith ang karakter ni Papa Joey sa Won’t Last a Day Without you na nagustuhan ko pero mas type ko pa rin ang unang movie team up nina Sarah at Gerald Anderson, ang Catch Me, I’m In Love.

Nakasabay ko sa pila sa box office ang mag-dyowa na nagtatalo kung alin ang pelikula na kanilang panonoorin. Ang Won’t Last a Day Without You ang gustong panoorin ng girl at ang The Road ng GMA Films ang type ng kanyang boyfriend.

Nang lumabas ako mula sa sinehan, naloka ako sa TV crew ng ABS-CBN na nag-aabang para hingin ang opinyon ng mga moviegoers tungkol sa pelikula nina Sarah at Gerald. Napilitan ako na magpainterbyu sa TV crew dahil matindi ang kanilang pakiusap.

                        

Hindi pa man napapalabas ang Panday 2 panday 3 plantsado na

Ang big presscon kahapon ng Panday 2 ang buwena mano sa unang araw ng December. Confident ang mga produ ng pelikula na tatabo ito sa takilya dahil sa positive feedback sa trailer.

Ipinalabas ang official trailer sa premiere night ng The Road. Namangha ang mga manonood dahil pang-Hollywood ang trailer ng pelikula nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Marian Rivera.

Hindi lamang ang trailer ang maganda dahil bonggang-bongga ang kabuuan nito, ayon na rin sa direktor na si Mac Alejandre. Ito ngayon ang problema nina Bong at Mac, paano mahihigitan ng Panday 3 ang Panday 2?

You read it right. Kasado na ang Panday 3 dahil ito ang magiging official entry ng Imus Productions at GMA Films sa 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ganyan kaagap sina Bong at Mac, hindi pa man nagsisimula ang 2011 MMFF, nakaplano na ang filmfest entry nila sa 2012 dahil naniniwala sila na daig ng mga maagap ang masisipag.

Show comments