Kathryn at Daniel nag-first kiss sa Boracay

MANILA, Philippines - Balikan ang alaala ng first love at first kiss nga­yong Linggo (Dec. 4) sa Growing Up dahil ang EllRick (Ella at Patrick) love team ay magpapakilig ng todo sa kanilang mga eksena. Tutukan ang pagpapatuloy ng Boracay special ng programa kung saan tampok ang lalong paglalapit ng puso nina Ella (Kathryn Bernardo) at Patrick (Daniel Padilla).

Sa pagtatapat ni Patrick ng totoo niyang nararamdamam, umamin na kaya si Ella na espesyal din sa kanya ang binata? Sa Boracay nga ba ang first kiss nila? Huwag palampasin ang kaabang-abang na tagpong ito sa Growing Up tuwing Linggo ng hapon pagkatapos ng ASAP Rocks sa ABS-CBN.

Show comments