Marian wala nang kinatatakutan

Sa rami ng naglalabasang mga seksing artista ngayon, hindi mo kakikitaan ng insecurity si Marian Rivera. Tiwalang-tiwala ito na hindi siya masasapawan sa ganda, kaseksihan, at kagalingang umarte ng mga bagong Kapuso wannabes.

Kung sabagay, pinanday na ang magandang Caviteña ng maraming taon ng pagiging artista. Literally ay talagang nagsimula siya sa ibaba bago niya narating ang kinalalagyan niya ngayon.

Aiai nawala ang takot sa MMFF dahil kay Bossing

Larawan ng confidence si AiAi delas Alas these days. Dahil dito parang gumanda ang aura niya. At hindi lang ito dahilan ng pagiging endorser niya ng Flawless, pakiramdam ko dahilan ito sa pagkakaroon niya ng isang entry sa 2011 Metro Manila Film Festival (MMFF) na pinaniniwalaan niyang maganda ang magi­ging laban sa box office.

Hindi tulad dati na nag-aalala pa siya na baka talunin siya at makulelat ang pelikula niya sa mga pelikula ng mga kalaban niya na ang madalas ay si Vic Sotto ang producer at artista. Pero ngayong magkasama na sila, kuntento na siya.

Lahi ni Erap sa showbiz madadagdagan na

Aba at mag-aartista na rin pala ang anak ni Gary Estrada kay Cheska Diaz. Hindi ko lang alam kung anong apelyido ni Kiko, Estrada ba o Ejercito? Kapag nagkataon, madaragdagan na naman ang lahi ni Erap ng isa pang artista.

Kinuha na ang bagets ng GMA 7 at isasama sa mga tween stars.

Ang dami-daming mga anak ng artista na puwede ring sumikat. Andiyan ang dalawang anak ni Mayor Herbert Bautista na artista na sa kabilang istasyon. Ang anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher ay ibini-build up na ng Kapuso Network. Ang anak ni Maritoni Fernandez ay nagpapakitang gilas na rin, at ang anak ni Tina Monasterio na si Derrick. Nasa kabila na rin ang binata ni Cesar Montano at ang dalawang prinsesa ni Ruffa Gutierrez.

Bahay nina Manny at Jinkee hindi na puwede sa mga alalay

Buti naman at bati na sina Manny at Jinkee Pacquiao.

Nabalitaan ko na magkakaroon ng konting pagbabago sa kanilang buhay. Bukod sa magbabawas sila ng tao ay pananatilihin nilang private ang kanilang bahay para sa pamilya lamang.

Good! A home should be limited to family members only. Mahirap ’yung sa bahay mo ay naglilipana ang napakaraming tao. Nawawalan ka na ng privacy.  Nagiging magulo. ’Yung mga usapin sa negosyo at iba pang bagay na hindi pampamilya, sa opisina pag-usapan. Good luck sa inyo!

Show comments