MANILA, Philippines - Masayang tinanggap ni Adela Fancubit ng Brgy. Holy Spirit, Quezon City mula kay Villar Foundation Chairman Sen. Manny Villar ang susi ng bahay at lot certificate ng napanalunang Camella Home sa 1st anniversary ng WilTime BigTime TV show ni Willie Revillame. Si Adela Fancubit ay isa sa tatlong masuwerteng house and lot winners na nakatanggap ng maagang pamasko mula kay Sen. Villar. Makikita sa larawan si Camille, bunsong anak ng senador na pansamantalang nag co-host sa programa.