Rhian pinipilit maging masaya, pinag-iisipan kung papatulan pa si Mo!

PIK: Bukod sa ABS-CBN 2 at GMA 7, nakipag-meeting din pala si Carmina Villaroel sa TV5 pero wala pa siyang natanguan.

Napag-usapan din sa GMA 7 ang posibleng pag-renew ng kontrata pero aminado ang aktres na tempting ang offer ng TV5 at open sila sa mga bagong idea para sa bagong show. Pero wala pang kinukumpirma kung magiging Kapatid talent na rin ba si Carmina.

PAK: Mukhang hanggang ngayon ay may tampuhan pa rin sina Allysa Alano at Aifah Medina pag­katapos nilang magtalo sa Survivor Philippi­nes: Celebrity Doubles Showdown.

Dapat ay magkasama silang dalawa na magi-guest sa Startalk nung kamakalawa ng hapon pero ’di sumipot si Aifah.

Ang sabi ni Alyssa, okay na sila ni Aifah pero mukhang iba naman ang mga sinasabi ng huli.

Sa totoo lang, hindi naman pala talaga sila close friends dahil si Jopay Paguia talaga ang pinaka-close kay Alyssa pero wala lang itong mahanap na ka-partner kaya si Aifah na lang ang kinuha nila.

BOOM: Mahigpit na binabantayan si Rhian Ramos ng handler niya sa GMA Artist Center para hindi ito masalisihan ng interview tungkol sa isyu kay DJ Mo Twister.

Pinagbabawalan nila si Rhian na magsalita tungkol sa kumakalat na isyung may kaugnayan sa mga itini-tweet ni DJ Mo.

Hinihintay lang nila ang mga sasabihin ni DJ Mo bago sila magbigay ng statement. Pag-iisipan pa nila kung papatulan pa ba nila ito o hayaan na lang mamatay ang isyu.

Halatang pinipilit lang ni Rhian na maging masaya. Nagpapaka-busy na lang ito sa trabaho lalo na’t abala siya sa promo ng The Road na magsyu-showing na sa Miyerkules.

Show comments