Actress na duguan ang puso, umasa palang mababago ang kaligayahan ng actor

Nang mabalitaan daw ng isang actor-director na nililigawan ng isang actor din ang isang magandang actress, nag-effort si actor-director na kausapin si actress.

Ang say ni actor-director, ‘Ineng binabalaan kita, hindi ikaw ang makakapagbigay ng kaligayahan sa kanya. I should know.’

Ang kaso hindi pinaniwalaan ni actress ang warning ni actor-director. Sumige sa pakikipagrelasyon sa pag-asang mababago niya ang actor. Ang kaso, iba talaga ang nagpapaligaya sa actor na nadiskubre na rin ni actress.

Ngayon, vindicated si actor-director sa babala niya sa actress na duguan ang puso sa kasalukuyan.

AiAi ayaw nang manghingi kay Lord

Ayaw nang manghingi nang manghingi ng blessings ni AiAi delas Alas sa Diyos. Pakiramdam niya, sobra-sobra na ang biyayang ibinibigay sa kanya ng Panginoon.

“Baka magalit na si Papa God at baka magalit na sa akin. Si­yempre sa tulong na rin ’yan ng mga taong nagtitiwala sa akin at sa lahat ng mga kaibigan na hindi ako pinababayaan sa buong career ko,” say ng comedy concert queen.

Kung sabagay, wala kasing humpay ang biyaya niya. Umaapaw ang ta­gum­pay niya ngayong taon – sa pagiging artista, endorser, performer, at businesswoman.

’Tapos heto pa, kasama niya si Vic Sotto sa filmfest entry na Enteng ng Ina Mo na isang pangarap niyang natupad.

“Ultimate crush ko kasi si Bossing Vic kaya natutuwa ako at kami naman ang nagsanib-puwersa para sa filmfest.

“Siyempre naman kinikilig ako tuwing may shooting kami. Hay naku abangan ninyo ang kissing scene namin dahil isa ’yun sa pasabog sa movie,” dagdag ng komedyana na siyempre ay payag na payag na ‘and’ lang siya sa billing nila ni Bossing Vic.

Sa TV this year, very visible rin siya. Of course siya pa rin ang isa sa mga judge sa Pilipinas Got Talent. Kung doon very light lang ang papel niya, sa My Binondo Girl drama naman ang ipinakita niya as nanay ni Kim Chiu.

At ngayon ibang level ang pinasok niya – ang pagiging talent manager ng isa sa mga finalists ng Pilipinas Got Talent na si Khalil Ramos.

Andiyan din siyempre ang double victory niya bilang best actress in a single performance at best comedy actress sa katatapos na Star Awards For Television ng Philippine Movie Press Club.

Hindi pa ’yan. Sa Dec. 1 ay ilalagay na ang star niya sa Walk of Fame Philippines. Personal na pupunta si AiAi sa nasabing occasion na pinangungunahan ni Kuya Germs Moreno.

Of course, naging matagumpay ang binuksan niyang Mang Inasal sa Batangas at ang santambak niyang performances hanggang abroad.

So, saan ka pa nga? Siya na ang pinagpala.

At kung maraming mga artistang naglilipatan sa ibang channel, loyal siya sa Kapamilya Network.

Show comments