Juday pinaiyak ni Jolina

Malapit na magkaibigan sina Judy Ann Santos at Jolina Magdangal. Kaya noong kasal ng singer-actress kay Mark Escueta si Juday.

‘‘Kahit simple lang ang seremonya ay naging napaka-solemn ng kasal. Para ngang ako ang nanay ni Jolens dahil wala akong ginawa kundi umiyak nang umiyak. Happy ako para sa aking kaibigan. Deserve nina Jolens at Mark ang isa’t isa.”

Catrine, pang-Queen of the World talaga

Nagkakaisa sa pagsasabi ang lahat nang makita si Catrine Rosary Ocampo bilang Miss Casino Filipino na deserving itong manalo at kahit sa 2011 Queen of the World Pageant Search na idaraos sa Germany. Bukod sa napakaganda talaga kahit walang make up. May taas siyang 5’9” at malaki ang pag-asa nitong manalo.

Naniniwala ang kanyang trainor-discover na si John de la Vega na makapagbibigay ng karangalan sa ating bansa si Catrine.

Bukod sa korona at malaking papremyo ay mabibiyayaan din ang kanyang napiling charity institution na Lingap Kapwa para sa mga batang hindi nakapag-aral.

Si Catrine ay sasali sa Bb. Pilipinas Beauty Pageant sa 2013.

Show comments