MANILA, Philippines - Nawakasan na nga ang pagdududa nina Angelito (JM De Guzman) at Rosalie (Charee Pineda) sa posibleng pagbubuntis ng dalaga matapos makumpirmang nagdadalang-tao ito. Sinamahan ni Precious (Ina Feleo) ang dalawa sa isang OB Gyne at doon na nga lumantad ang katotohanang kailangan na nilang harapin sa kanilang murang edad. Nagsimula na ring gumawa ng eskandalo ang resulta ng kanilang kapusukan at isang mainit na kumprontasyon sa pagitan ng pamilya ni Angelito at Rosalie ang naganap. Handa si Angelito akuin ang responsibilidad ngunit lingid sa kaalaman ng batang ama na hindi ganoon kadali ang pinasok na gusot. Sapat na ba ang kanyang paninindigan sa sitwasyong ito? Pakatutukan ang pinag-uusapan ng serye tuwing hapon, ang Angelito: Batang Ama, 3:30 PM pagkatapos ng Helena’s Promise sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.