Joey hanggang tenga ang ngiti nang tumuntong sa ABS-CBN!
Kahapon ay nag-guest sa Kris TV si Joey De Leon. Isa itong pambihirang pagkakataon dahil matagal-tagal na ring hindi nakakatuntong si Joey sa Kapamilya Network.
Napakasaya ng naging usapan nila ni Kris Aquino. Naikuwento rin ng comedian-host sa nasabing episode ang kanyang naging karanasan sa ABS-CBN noong nagsisimula pa lamang siya.
“Dito sa ABS-CBN proud akong sabihin, I worked here in 1968. Ang suweldo namin noon 200 a month. Noong ginawa kaming permanent, matindi, naging 210. Totoo ’yan nasa akin pa ’yung papel,” natatawang kuwento ni Joey.
“Kaya mayabang ako pagdating sa ABS-CBN, noong pumapasok ako kanina ang ngiti ko hanggang tenga. Natutuwa ako, parang homecoming. Ako lang ang nakaupo sa pitong himpilan ng radyo sa Bohol. Puwede ako sa lahat, puwede ako sa Tagalog, sa English,” dagdag pa ni Joey.
Pinapurihan din ang aktor ng ating mahal na Pangulong Noynoy Aquino sa pamamagitan ng isang VTR.
Kasama si Joey sa pelikulang Won’t Last a Day Without You na mapapanood na sa Nov. 30.
Christian may alok uling bagong pelikula sa Indonesia
May isa na namang bagong international project na ino-offer sa singer na si Christian Bautista pagkatapos ng kanyang Indonesian film na nag-premiere noong August.
Ayon kay Christian, hindi pa sigurado kung matutuloy na ang bagong offer sa kanya dahil marami rin siyang gagawin dito sa Pilipinas.
“I’ve been offered another movie in Indonesia so we’ll see if we get that. It depends and there’s soap here, too, so I’ll see if I get that din. Dito sa ABS-CBN ’yung soap pero I can’t say the details yet kasi schedule ang problema,” pahayag ni Christian.
Masayang-masaya ang binata dahil naging matagumpay ang The Kitchen Musical na ginawa nila ni Karylle sa Singapore kamakailan.
“My effort is paying off. Sometimes we look for projects here, it’s not given to us. ’Yun pala we’re meant for bigger things. So Karylle and I are very happy in where we are right now. I didn’t expect to be here pero I’m just very thankful for the blessings that have come my way. I didn’t look for it, it came to us and I thank God for it,” dagdag pa ng singer.
Maraming natutunan sa buhay si Christian dahil sa kanyang mga karanasan sa ibang bansa.
“I believe mas nag-grow ako as an actor sa The Kitchen Musical. I think I can still do better pero I definitely did good. Ganun lang naman ’yun eh, I keep on doing stuff. I want to do more stuff, whether sa The Kitchen Musical or another teleserye or whether movie, gusto ko gawin lahat ’yun until I reach that point where I can feel so comfortable. It’s really been great,” pagtatapat ng singer.
Samantala, merong kakaibang Christmas party na gagawin ang kanilang pamilya ngayong taon. “We’re going to dress up as animals. Siguro ako bear or gorilla, because a bear has strong arms to hold you when you need a warm embrace to protect you. Idea kasi nung pinsan ko ’yung costumes. Last year United Nations naman kami, for fun lang naman,” kuwento pa ni Christian.
Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest